Muntik nang mabiktima ng isang scammer ang aktor na si Rocco Nacino.
Sa Instagram post ni Gabby Eigenmann nitong February 26, 2022, nakalagay roon ang screenshot ng naging usapan ni Rocco at ng scammer na nagpanggap na si Gabby sa Telegram app.



Humingi ng "urgent favor" kay Rocco ang nagpanggap na Gabby.
Nanghihiram ito ng PHP10,000 at agad din naman daw ibabalik kinagabihan.
Sabi pa ng scammer ay “down” lang ang bangko nito, at pasensya na sa istorbo.
Sabi naman ni Rocco ay itse-check lang niya kung may pondo siya dahil medyo negative din siya ngayon at walang taping.
Hirit pa ng scammer, "much better" kung sa GCash ipapadala ni Rocco ang hinihiram na PHP10K.
Tinawagan naman ng aktor si Gabby para tiyakin kung ito talaga ang ka-chat niya.
Ipinadala rin niya ang screenshot ng naging convo.
Doon na natuklasan ni Rocco na hindi si Gabby ang nanghihiram sa kanya ng pera.
Sa kanyang IG post, ito ang inilagay ni Gabby na caption sa screenshot na ipinadala sa kanya ni Rocco (published as is): “Got a call from my friend @nacinorocco, asking if i was the one messaging him on telegram. sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money.
“Pls do not entertain any messages from this person pretending to be me. Kung sino ka man tigilin mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma.”
Nag-reply naman sa kanya si Rocco ng: “Whew buti na lang tinawagan muna kita @gabbyeigenmann!!”

Sa kanyang reply sa post ay kinantiyawan naman ni Chynna Ortaleza ang scammer dahil mali aniya ang characterization nito kay Gabby.
Ilang netizens din ang naka-trace na "Sabina M" ang pangalan ng scammer batay sa GCash account nito.
Payo naman ni Rocco sa lahat, “Triple check kung totoo ang mga kumakausap sa inyo, lalo na kapag may pera na involved.”
