Kasalukuyang nasa lock-in taping pa rin si Carmina Villarroel. Kasama siya sa pinakabagong GMA Afternoon Prime, ang Widow’s Web na mapapanood na simula sa Lunes, February 28.
Kahit ilang beses nang pumapasok sa lock-in taping, hindi lang si Carmina, kundi pati na rin ang mister na si Zoren Legaspi at mga anak nilang sina Mavy at Cassy Legaspi, nahihirapan pa rin daw siya.
“It never gets easy. Kasi, alam niyo naman ang pamilya namin, we’re very close. So, masyado kaming tight.
“Si Cassy, naka-lock-in din ngayon sa First Lady. 'Tapos ako, naka-lock-in din and by the time na lalabas ako, parang magla-lock-in na rin si Zoren. So alam ko na parang hindi na talaga kami magkikita.
“Mahirap… mahirap, oo. Malungkot, oo. Pero, let’s not dwell on that. Mas gusto naming tingnan na we are still blessed, we are thankful kasi lahat kami, may trabaho.
“So yun na lang ang iniisip namin. Kasi, wala na tayong magagawa ngayon kasi, this is our situation now. So, tanggapin na muna natin ito. Tutal naman, may mga video calls naman. Nakakapag-text naman, so do’n na lang muna.
“At least, nagiging excited ka after your work na uuwi ka na. Yun nga lang, pag-uwi ko, hindi ko makikita si Zoren.”
Sabi pa niya, “Mahirap, nakakalungkot. Iiyak lang naman ako. Yun lang naman ang gagawin ko palagi every time na may lock-in, every time na may umaalis, umiiyak na lang ako.
“Pero kasi nga, lagi akong I want to look things on the brighter side. So laging, at least, we’re blessed, at least, may trabaho, at least may blessing.
“Kapag kasi iyon ang inuuna mo, you feel good, you feel better. Kasi nga, alam mo na may trabaho ka kahit na may pandemic pa rin. Yun na lang ang iniisip ko, yun na lang ang ginagawa ko.
“Iyak na lang ako,” natatawang sabi niya uli.
“Oo, umiiyak pa rin ako. Basta yung kapag aalis na ng bahay or ihahatid ako. Kapag nasa lock-in na ako, kapag nakikita ko ulit or kapag nagbi-video call, hayun, medyo iiyak ulit ako."
WORRIED FOR HER DAD
Pero mas mahirap daw sa kalooban niya ngayon ang pagpasok sa lock-in taping.
Inaalala rin niya kasi ang may sakit niyang ama.
“Mas mahirap, mas mahirap siya,” pag-amin ni Carmina.
“Siguro mas mahirap lang ngayon dahil sa situation with my dad,” saad ni Carmina.
“Siyempre, my dad lives with me at alam naman natin ang situation ng daddy ko. So, video call na lang.
“Mahirap to be away from my family and away from my siblings and my dad.”
STRENGTH OF THEIR FAMILY
Para gumaan ang kalooban ni Carmina, sinabi namin dito na nakabibilib silang pamilya lalo na ngayong dalawang taon na ang pandemya sa bansa.
Dahil kahit nga ganito ang situwasyon ng buong bansa at sa buong mundo, tumatanggap pa rin sila ng trabaho.
Tanong tuloy namin, saan ba nanggagaling ang determinasyon at tapang ng kanilang pamilya?
“Kasi itong nangyayari sa atin, parang hindi naman natin alam kung kailan ito mag-e-end, di ba?
“So I think for now, we have to live with it. Ayaw man nating tanggapin, pero sa ngayon kasi, we all have to work. Mabuti sana kung, ‘O sige, sa bahay na lang muna kami, hindi na muna kami lalabas, hindi muna kami magtatrabaho.’ Hindi, e,” paliwanag pa ni Carmina.
“Let’s all be realistic. We can’t survive. We have to work. We have to try to live a normal life.
“Yun lang, marami lang talagang extra precaution. You really have to take care of yourself. You eat well, exercise. Try to sleep early. Drink lots of vitamins. Eat the right food para maprotektahan mo ang sarili mo.
“But like I’ve said, we have to live with it now. Nando’n ang situation natin and siguro, yung pagmamahal namin sa trabaho.
“I’ve been saying this, I’ve been in this business more than half of my life. This is the only thing na alam kong gawin.
“Mag-host, um-acting, so binibigyan ka ng blessing, ayaw mong tumanggi. Like I said, we’re given these maraming-maraming blessing. We’re very grateful and kaya naman, e, ‘di ba?
“Malungkot lang pero kaya, kakayanin naman. So anything for your family, anything for your craft. I guess, do’n sa kambal, nag-e-enjoy sila. Gusto nilang maging artista, so they’re given a chance, they’re given an opportunity so gina-grab naman nila.
“And so far, okey naman, nag-e-enjoy sila. Extra careful lang talaga para sa ating lahat.”
