Nora Aunor, Vilma Santos, 8 iba pa tampok sa mga bagong selyo ng Philippine Post Office

by KC Cordero
Mar 2, 2022
The Philippine Postal Office's new commemorative stamps.
Kabilang sina Rosa Rosal, Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, at Vilma Santos sa “Living Legends – Outstanding Filipinos: Series I” na inilabas ng Post Office bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo mula nang ilabas ang pinakaunang selyo ng Republika ng Pilipinas.

Inilunsad ng Philippine Post Office ang Ten (10) Outstanding Filipinos Commemorative Stamps na kumikilala sa tunay na pinakamahalagang yaman ng bansa—ang mamamayang Pilipino.

Ginanap ang seremonya sa Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio noong February 26, 2022.

Nagbigay-pugay ang Post Office sa limang reyna ng pelikulang Pilipino, dalawang atleta, dalawang scientists na kinikilala sa buong mundo, at isang matagumpay na pintor.

The Philippine Postal Office's new commemorative stamps.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May temang “Salamat: Pagpupugay sa mga Alamat,” ang Ten Outstanding Filipinos ay ang mga atletang sina Olivia “Bong” Coo (bowling) at Ramon Fernandez (basketball); mga beteranang aktres na sina Gloria Romero, Vilma Santos, Susan Roces, Rosa Rosal, at Nora Aunor; ang painter na si Romulo Galicano; at mga scientists na sina Dr. Baldomero Olivera at Dr. Ernesto O. Domingo.

Ayon kay Postmaster General Norman N. Fulgencio, “The Ten (10) Outstanding Filipinos honored by the Post Office have dedicated their lives and talents to the Filipino people.

“So they deserve to be immortalized in our stamps, to inspire not only Filipinos but every nationality who will see our stamps. We are proud of their accomplishments.”

Ang “Living Legends – Outstanding Filipinos: Series I” ang ikalawa sa tatlong kategorya ng Philippine stamps na inilabas ng Post Office bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo mula nang ilabas ang pinakaunang selyo ng Republika ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After 75 years, so much has changed. We are now living in a moment in history where everything is possible and anything can spark greatness,” ayon pa kay Fulgencio.

“People are the most valuable asset a country could have. We honor our beloved personalities whose talents and indomitable spirit make them true treasures.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Rosa Rosal, Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, at Vilma Santos sa “Living Legends – Outstanding Filipinos: Series I” na inilabas ng Post Office bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo mula nang ilabas ang pinakaunang selyo ng Republika ng Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results