Nalimas sa loob ng tatlong minuto ang pera sa ATM cards ng ina ni Nadia Montenegro.
Hindi makapaniwala si Nadia sa insidenteng pagnanakaw na naranasan ng kanyang ina habang namimili sa isang kilalang membership shopping store sa Novaliches.
"Hi, guys. I don't hardly do this. But this is very scary, and this is not acceptable. This is very unacceptable," bungad ni Nadia sa kanyang Facebook Live nitong Miyerkules, March 2, 2022.
"I just got a call an hour ago from my sister that they're here in [membership shopping store] to go shopping.
"But unfortunately, my mom's wallet was stolen by a group of seven people inside [the store].
"We're here in [membership store] Novaliches.
"My mother is here crying because in three minutes, as soon as she found out her wallet is missing, they reported it to the people here in [membership store]."
Hindi raw akalain ng ina ni Nadia na mabilis na na-withdraw ang perang nasa dalawang ATM cards nito.
Ang dollar bank account nito ay nakunan ng $1,700, habang ang BDO account nito ay nakunan ng P50,000.
Ang natukoy na pitong kalalakihang pinaghihinalaang nagnakaw ng wallet ng ina ni Nadia ay nakatakas ng membership store.
"And in three minutes, nakalabas po yung pitong taong nagnakaw ng wallet niya.
"When we called the bank, we called up BDO, we called up the Bank of America, nalimas po lahat ng pera ng nanay ko.
"And it happened inside [the membership store], a membership club, where I'm waiting now for the police to do an investigation."
Ipinost ito ni Nadia sa Facebook tatlong oras ang nakararaan.
Base pa rin sa Facebook Live ni Nadia, hindi niya agad nakuha ang CCTV footage kunsaan makikita ang pitong suspek sa pagnanakaw.
"Because I cannot get the CCTV of that seven people. They cannot give me the membership cards of that seven people that entered [the membership store] and stole my mom's wallet. Nothing."
Umaasa si Nadia na maresolbahan agad ang insidenteng pagnanakaw na dinanas ng kanyang ina.
"My mom is crying her eyes out. She lost 1,700 dollars in one account, she lost 50,000 in her BDO, she lost another in all her credit cards that were stolen here inside [the store].
"So, I'm waiting for the police. I will do kung anong legal na dapat gawin.
"Because at this very moment, that seven people that stole my mom's wallet is still out there celebrating after stealing a P130,000 plus from her."
Naputol ang Facebook Live ni Nadia nang dumating ang police officers sa shopping store para imbestigahan ang insidente.
"MODUS" OF A "BIG SYNDICATE"?
Pagkalipas ng higit-kumulang dalawang oras, muling nakapagbigay ng update si Nadia.
Sa hiwalay na Instagram post, makikita ang video niya sa police station.
Dito ikinuwento ni Nadia na nakuha na ng pulisya ang CCTV footage kung paano pinaligiran ng pitong kalalakihan ang ina para makuha ang wallet nito.
Mabilis daw ang pangyayari at eksperto ang galaw ng pitong suspek.
"We have identified the seven people. We have identified the plate numbers, we have identified the faces of the seven people
"We have identified [the names of] two of the seven men. May pictures sila dito, mug shots. This is a big syndicate," lahad ni Nadia.
Dagdag niya: "Maraming nagtatanong sa akin how they were able to withdraw all of my mom's account in less than five minutes.
"When you watch the CCTV, you will see how fast they work.
"Habang nandun pa sila nakakumpol sa nanay ko at nakuha yung wallet, nakalabas na yung dalawang lalake at naka-withdraw na sa [mall] dito sa tabi ng [membership shopping store].
"So, it's a big modus."
NADIA VOWS TO SHOW CCTV FOOTAGE OF THEFT INCIDENT
Hindi raw niya maintindihan kung paano nakakalusot ang grupo ng magnanakaw.
Ayon kay Nadia, habang nasa membership shopping store ay may naabutan din siyang dalawa pang tao na nagrereklamo dahil nanakawan din umano ang mga ito sa loob ng establisimyento.
Ni-report din umano ng mga ito ang kanilang kaso sa pulisya.
Idiniin ni Nadia na hindi niya habol na mabalik ang pera, kundi para mabigyan ng leksiyon ang mga sindikatong gumagawa ng kabalbalan sa mga inosenteng tao.
"God protect us. I'm after these people. I'm not after the money. I don't want the money back. My mom's safe. I'm after our safety," ani Nadia.
Ipinangako naman ni Nadia na isasapubliko niya ang CCTV footage ng insidenteng dinanas ng ina.
"Kinukuha lang namin mga shot ng mga faces, kasi ang lalakas po ng mga loob ng mga magnanakaw.
"Wala pa silang mask. Iba suot nila papasok, iba suot nila palabas.
"Amazing po, at nanggigigil ako kasi nanay ko yung nasa gitna ng pitong tao.
"Pero she's safe. I will make sure na sana sa tulong ng pulis natin, at sa tulong ng Panginoon, mahuli ang masasamang tao na ito.
"And that we can all be safe with our families."
Naluhang apela naman ni Nadia sa mga taong nagnakaw ng wallet ng ina: "Tama na po. Magtrabaho po kayo. Lahat tayo may pinagdadaanan.
"Huwag naman natin nakawan ang senior citizen walang kalaban-laban sa loob ng isan mall."
Habang isinusulat ang artikulong ito, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadia na nasa police station pa siya sa mga oras na ito.
