Nakarating sa Ukrainian former beauty queen na si Anastasiia Lenna ang nag-viral niyang larawang may hawak na baril.
Iniulat sa iba't ibang sites, international at local, na sumanib umano si Anastasiia sa Ukrainian army para ipagtanggol ang bansa niya mula sa pananakop ng Russia.
Ipinost ni Anastasiia ang larawan niyang hawak ang baril isang araw bago ilunsad ng Russia ang "special military operation" nito.
Pero may mga nakapansing hindi tunay na baril ang hawak ng former Miss Ukraine, kundi replica toy gun para sa airsoft sport.

Si Anastasiia ay nakaabot hanggang Top 20 sa Miss Grand International 2015, kasabayan ang pambato ng Pilipinas na si Parul Shah.
Sumabak din si Anastasiia sa Miss Supranational 2016 at nakapasok sa Top 25, kasama ang kandidata nating si Joanna Eden.
MISS UKRAINE MAKES CLARIFICATIONS
Ginawa ni Anastasiia ang paglilinaw tungkol sa kanyang viral photo nitong Lunes, February 28, 2022.
Hindi raw siya sumanib sa militar, taliwas sa mga naunang ulat.
Pero nakikipaglaban siya sa Russia bilang ordinaryong mamamayan ng Ukraine.
“I AM NOT A MILITARY, JUST A HUMAN,” simula niya.
Kinuha niya rin ang pagkakataong makapagsalita kaugnay ng kinahaharap na sitwasyon ng Ukraine.
“I am not a military, just a woman, just normal human.
"Just a person, like all people of my country," sabi ni Anastasiia.
May paglilinaw rin siya sa kanyang larawang may hawak na airsoft gun.
Dugtong niya (published as is), “I am also a airsoft player for years. You can Google what #airsoft means.”
Sabi ni Anastasiia, “I had a normal life just on Wednesday, like millions people.”
Kinabukasan, February 24, inilunsad ng Russia ang giyera nito para sakupin ang Ukraine.
Sabi pa ni Anastasiia, wala siyang isinusulong na propaganda. Pero gusto niyang ipakita na ang mga kababaihan sa Ukraine ay “strong, confident and powerful.”
Punung-puno ng emosyon ang sumunod na pahayag ni Anastasiia.
Aniya: “I appreciate all attention and support to my country, all people in Ukraine we fight every day against Russian aggression.
“We will win!
“I was born and live in Kyiv. This is my city. Ukraine is my country”
Marami raw sa mga kababayan niya—kabilang ang mga babae at bata—ang nasasawi kahit walang kasalanan.
“I speak to all people of the World! Stop war in Ukraine! No people should die!”
Bilang panghuli, nanawagan si Anastasiia na tulungan ang Ukraine sa kinahaharap nitong laban, at tulungan ang kanyang mga kababayan mula sa Russian aggression.
Kalakip ng kanyang post ay maiksing video na nagpapakita ng giyera sa pagitan ng mga sundalong Russian at Ukrainian sa tugtog ng National Anthem ng Ukraine.
