PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lloyd Aaron Agustin has no plans to retire anytime soon

Lloyd wants to a collab with an international adult content creator.
by Jerry Olea
Published Mar 3, 2022
lloyd aaron agustin
Lloyd Aaron Agustin on doing a collab: "Actually, ang gusto ko sana, kung makikipag-collab ako uli, is sa international na adult content creator na taga-ibang bansa para lumawak pa yung network ko, lumawak pa yung audience ko. Kasi, feeling ko, pag dito sa Pinas, medyo na-reach ko na yung audience ko dito na kailangan kong i-target."
PHOTO/S: @lloydaaronagustin on Instagram

Nakapagpundar ng kotse ang TikTokerist at tattoo artist na si Lloyd Aaron Agustin dahil sa kanyang private channel na pinasimulan noong Abril 20, 2021.

Mahigit 700 ang subscribers sa kanyang justforfans channel noong nakaraang Disyembre 2021.

Paano niya na-maintain na marami pa rin siyang loyal subscribers, considering na napaka-stiff ng competition?

“Consistent lang sa pagpo-post,” napangiting sambit ni Lloyd sa virtual tsikahan noong Pebrero 19, 2022, Sabado ng hapon.

“Actually, sobrang taas nung December. Feeling ko, maraming pera ang mga tao kasi Pasko. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Fluctuating yung stats. Biglang bumaba nang more than 50 percent nung January. Sobrang hina, mababa, pero OKs lang, above minimum pa rin siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAKING A BREAK

Sapat na ba ang naipon niya para magpahinga siya sa pangangalakal ng private videos?

“Sa ngayon, to be honest, nagpapahinga ako nang konti,” pagbuntong-hininga ni Lloyd.

“Medyo humahaba na yung intervals ng in between ng posts ko, hindi na siya ganun sindalas ng dati.

“Nag-iisip ako ng ibang ways kung paano pa mas mapapataas yung ipon ko. Siyempre, hindi tayo pwedeng mag-stop.

“Hindi porke’t may ipon na ngayon, puwede nang maging complacent. Kasi, mabilis mawala ang pera, e.

“So, ngayon, e, nasa phase uli ako na nag-iisip ako ng ideas or plans kung paano ulit mapapataas pa yung income ko, yung ipon ko.

“Kung itutuloy ko man yung justforfans o hindi… hindi lang naman dun sa part na justforfans yung ideas ng pagpapasok ng income.”

Naisip na ba niya kung kailan siya titigil o magre-retire sa ganitong gawain?

“Ahhm, honestly, may part sa akin na gusto ko nang tumigil at gusto kong mag-pursue talaga — not because nagsasawa na ako or what — but I wanna pursue something bigger,” paglilinaw ni Lloyd.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Or something greener. Pero until dumating yung time na meron na talagang opportunity na mas malaki dito, para kumita ako nang mas malaki, ahhm, siguro hindi muna.

“Wala pa namang reason para tumigil, e. I mean, I’m still doing good. Kumikita pa rin naman ng pera.

“And wala pa namang mas malaking opportunity. So, ayun. Pero hindi naman ako nag-i-stop. Kasi, ayokong maging stagnant.

“Siyempre, alam ko rin naman na hindi puwedeng forever ako rito.”

Read: TikTok influencer Lloyd Agustin opens up about entering the world of online sex

COLLAB WITH VLADIMIR CASTILLO

Pinakapasabog na post niya so far ang collab with model Vladmir Castillo. How did it come about?

“Isa pa lang naman yung collab ko, hindi pa nasusundan. So, ewan ko, maybe this year,” sabi ni Lloyd.

“Sa pagkakaalala ko, sila yung nag-approach sa akin nung time na yun. Tapos, parang supposedly, dalawa sila, ganun.

“Magulo yung sitwasyon, pero ang ending, kaming dalawa na lang ni Vladimir ang nag-collab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Afterwards, OK naman. Si Vlad, sobrang bait naman. Naging maayos ang usapan namin. Never kaming nagkarun ng di magandang pag-uusap.

“Yung collab namin, more than 20 minutes, mga 25 minutes, ganun."

May next collab na siya? Andaming alter ang nagko-collab, as in rigodon de amor at labu-labo.

“Feeling ko, pinakainaabangan ng mga tao at nakaka-excite sa kanila, e, yung mga collab na,” pananalig ni Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero as of now talaga, gusto ko kasing maging mapili and maging maingat din sa pakikikpag-collab.

“Actually, ang gusto ko sana, kung makikipag-collab ako uli, is sa international na adult content creator na taga-ibang bansa para lumawak pa yung network ko, lumawak pa yung audience ko.

“Kasi, feeling ko, pag dito sa Pinas, medyo na-reach ko na yung audience ko dito na kailangan kong i-target.

“So, para mas lumawak siya, feeling ko, kailangan kong makipag-collab sa mga taga-ibang lugar.

“Kung makikipag-collab ako ulit, dapat either kasing-successful nung collab ko with Vlad or mas pa. Hindi puwedeng ano lang… Ha! Ha! Ha! Ha!

“May nakakausap na akong adult creator sa Singapore, sa Hong Kong, yung medyo malalapit na countries.

“Pero wala pa kasi akong plan na mag-travel outside of the country. So, ayun, I don’t know kung may plans sila to go here.”

ON JERVY DE LOS REYES

Kumusta na ang kaibigan niyang si BidaMan finalist Jervy de los Reyes matapos niya ito tulungang magkaroon din ng private channel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ahhm, since nung nag-stop si Jervy, wala na akong masyadong balita sa kanya. Hindi na kami masyadong nag-uusap, e,” saad ni Lloyd.

May iba pa bang minor celebrities or personalities na lumapit sa kanya at gustong magpatulong sa pagpu-put up ng private channel?

Natigilan nang ilang saglit si Lloyd, “May mga ilan na nag-reach out actually… ayun… na mga celebrity rin. Pero… medyo ano na ako, e…

“Kasi, ayun nga, I think, yung kay Jervy, I don’t know… medyo hindi yata niya nagustuhan yung result, or maybe it took a toll on his mental health.

“But I think he’s doing good now, so I’m happy for him.”

Na-bash si Jervy at inokray dahil sa "shortcomings" nito?

“Ano, I don’t think so. Kasi, ako rin naman, na-bash din ako. Sobra, sinasabi sa akin na maitim ang singit, ganyan!

“Lagi namang may nasasabi ang mga tao when someone is, like, doing good, so siguro mas mataas lang yung tolerance ko sa negativity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba-iba kasi yung capacity ng mental health natin. So, sobrang naiintindihan ko siya sa part na yun kung bakit niya kinailangang mag-stop.”

Anu-anong klase ng celebrities yung nag-reach out sa kanya at gustong magpatulong?

Natatawang tugon ni Lloyd, “Ano, e, mostly mga… ahh… paano ba? Paano ko ba sila ide-describe? Ha! Ha! Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung hindi mahahalata, yung sakto lang. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi content creator, e. Mga sumali rin ng competition, ganyan, sa TV show. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Hindi nanalo, ganun. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ano ang itinanong nila? Kung paano ang maayos na set-up?

“Ewan ko, ang itinatanong nila usually… ang mahirap kasi sa justforfans, lalo ngayon, is yung verification.

'“Andaming hinihinging mga… like, papers to prove your identity, ganyan. So, yun yung number one.

“Tapos, itinatanong nila, paano yung magiging atake nila sa pagpo-post. Paano yung promotions, ganun.

“And… hindi na ako masyadong nagre-reply sa mga ganun, e.”

Ready naman siyang tumulong sa pagpo-promote, di ba?

“Yun nga! Masarap tumulong! Kaso, in the end, mamaya pag hindi mag-work out, parang… baka ako pa yung masama!” bulalas ni Lloyd.

“So, yun ang nakakatakot. Baka ako ang sisihin ng fans nila, sabihin nila, ‘Nasira ang artist na ‘to dahil inimpluwensiyahan ni Lloyd!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“While in the first place, sila naman yung lumapit sa akin. Sila naman yung humingi ng tulong.

“So, yun lang ang worry ko kaya hindi na ako masyadong… alam mo yun?”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lloyd Aaron Agustin on doing a collab: "Actually, ang gusto ko sana, kung makikipag-collab ako uli, is sa international na adult content creator na taga-ibang bansa para lumawak pa yung network ko, lumawak pa yung audience ko. Kasi, feeling ko, pag dito sa Pinas, medyo na-reach ko na yung audience ko dito na kailangan kong i-target."
PHOTO/S: @lloydaaronagustin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results