Ipinagdiwang ni Maine Mendoza ang kanyang ika-27 kaarawan kahapon, March 3, 2022.
Simple lang ang naging post ng Eat Bulaga! co-host sa kanyang Instagram.
Nagpasalamat siya sa lahat ng bumati sa kanya at nagpaabot ng birthday wishes.
Mensahe ni Maine: “Cheers to 27! Thank you all for the birthday greetings and wishes.”
View this post on Instagram
Bumuhos naman ang mga pagbati ng netizens at celebrities kay Maine sa kanyang post.
Narito ang ilang mga celebrity na bumati sa kanya:



Ang kanya namang boyfriend na si Arjo Atayde ay sinisiguro ang taus-pusong pagmamahal sa actress-TV host.
Umaasa rin ang Kapamilya actor na makasama si Maine sa lahat ng pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan.
Saad ng aktor at tumatakbong kongresista sa Quezon City: “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba. [heart emoji]”
View this post on Instagram
Binati rin si Maine ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa comments section.
Aniya, “Happy Birthday @mainedcm Stay happy and inlove.”

Ipinagdiwang nina Arjo at Maine ang kanilang ikatlong taong anibersaryo bilang magkasintahan noong December 21, 2021.
Nagkakilala at nakapagpalagayang loob ang dalawa habang ginawaga nila ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Simula noon, naging malapit na sina Arjo at Maine sa isa’t isa.
