PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda's niece financially dependent on her famous uncle?

"Nakakabastos po."
by Bernie V. Franco
Published Mar 7, 2022
vice ganda niece
Vice Ganda's niece Camille Viceral (right photo, far right) slams netizen for insinuating that she is financially dependent on her famous uncle: “Huwag po tayong nag-a-assume at huwag po tayong bastos.”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Hindi nagustuhan ng pamangkin ni Vice Ganda na si Camille Maxine Viceral ang komentong umaasa lang siya sa kanyang sikat na tito para sa pera.

Sa isang TikTok video noong nakaraang linggo, diretsahang sinagot ni Camille, 22, ang aniya ay “nakakabastos” na paratang.

Si Camille, isang social media influencer, ay anak ng kapatid ni Vice.

Sa 25-second video, ginamit na background ni Camille ang screenshot ng comments ng netizen na nais niyang bigyang linaw.

Ganito ang tanong: “Ano po source of income mo ate”

Sagot ng isa pa: “tito nya?”

Seryoso at hindi nagpaliguy-ligoy si Camille sa kanyang naging sagot.

“Nakakabastos po,” bungad niya

“Lumaki po kami sa hirap at alam namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat.”

Bagamat kamag-anak niya ang sikat na komedyante, nilinaw ni Camille na hindi sila pabigat kay Vice.

Sabi ni Camille: “Dahil kung yun ho ang iisipin namin, hihilahin po namin yung tao pababa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at responsibilidad sa loob at labas ng bahay.”

Hindi itinanggi ni Camille na may tulong silang natatanggap sa kanyang Tito Vice, pero hindi raw sila nagmamalabis.

Aniya, “Kung ano po yung binibigay sa amin, yun lang po yung aangkinin namin.

“Hindi na rin po kami maghahangad nang sobra-sobra pa doon.”

Sabi pa ni Camille: “Ayun lang. Huwag po tayong nag-a-assume at huwag po tayong bastos.”

vice ganda niece

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At this writing, mayroon nang 1.4 million views ang video.

Mukhang hindi rin ito ang unang beses na sinagot ni Camille ang isyu.

Sa isang TikTok video niya noong February 20, 2021, ipinost ni Camille ang video kasama ang lolang si Rosario Viceral, ina ni Vice.

Hindi malinaw kung ano ang pinanggagalingan ng pahayag ni Rosario, pero lumalabas na pagtatanggol ito sa apong si Camille.

Maririnig si Camille na tinanong ang kanyang lola, “Anong masasabi mo sa kanila?”

Sagot ng kanyang lola, “Hindi gold-digger ang apo ko.”

May mga patawa ring situational videos si Camille bilang reaksiyon sa netizens na humihingi ng pera sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's niece Camille Viceral (right photo, far right) slams netizen for insinuating that she is financially dependent on her famous uncle: “Huwag po tayong nag-a-assume at huwag po tayong bastos.”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results