PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion spends time with dad Gabby Concepcion's wife and kids

Back from the U.S., KC posts reunion with paternal siblings.
by Rachelle Siazon
Published Mar 14, 2022
KC Concepcion, Gabby Concepcion, Genevieve Yatco Gonzales
Even if her dad Gabby Concepcion is currently on lock-in taping, KC Concepcion (black mask and black top) meets up with her paternal siblings Samantha (black mask and purplish brown top) and Savannah (white mask). They're also accompanied by Gabby's wife Genevieve (light brown mask).
PHOTO/S: @kristinaconcepcion Instagram

Nakabalik na si KC Concepcion sa Manila matapos ang halos siyam na walong buwang pananatili sa U.S.

Isa sa mga una niyang pinagkaabalahan ay ang pakikipagkita kina Samantha at Savannah na mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion.

Linggo, March 13, 2022, ipinost ni KC sa Instagram ang litrato nila sa isang restaurant sa Greenbelt mall sa Makati City.

Kasama rin nila ang asawa ni Gabby na si Genevieve Yatco Gonzales.

Ito ang bihirang pagkakataong nakunan ng larawan si Genevieve na very low-key at malayo sa limelight kahit na aktibo sa showbiz si Gabby na isang Kapuso star.

Saad ni KC sa caption ng kanyang IG photo: "Family time well-spent brings a life of contentment!!!"

KC Concepcion, Gabby Concepcion, Genevieve Tatco Gonzales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita rin ni KC ang screenshot ng video call nila ng amang si Gabby.

Si Gabby ay kasalukuyang nasa lock-in taping ng First Lady, ang ongoing prime-time series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Sanya Lopez.

KC Concepcion, Gabby Concepcion, Genevieve Tatco Gonzales

BONDING IN BATANGAS IN 2021

Malapit si KC sa mga kapatid sa ama na sina Samantha at Savannah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama pa niya ang mga ito nang magbakasyon siya sa bahay ng ama sa Lobo, Batangas noong Holy Week break noong April 2021.

Sinabi noon ni KC sa kanyang IG post na tanggap niya ang "unconventional blended family" na mayroon siya.

Mahalaga raw sa kanya ang pagkakaroon ng bonding time, mapa sa kapatid niya sa ama o mga kapatid sa inang si Sharon Cuneta.

Nilinaw rin noon ni KC na mismong ang ina niyang si Sharon ang nag-eengganyo sa kanya na magkaroon ng magandang relasyon sa mga kapatid niya sa ama.

Read: KC Concepcion gives credit to mom Sharon Cuneta for her closeness to dad Gabby's daughters

SUPPORTING DAD KIKO'S VP BID

Samantala, ngayong nasa Manila si KC ay nagpaabot siya ng suporta sa kandidatura ng stepfather niyang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Si Senator Kiko ay kumakandidato para sa pagka bise presidente sa 2022 elections.

Sa March 3, 2022 Instagram post ni KC, ipinakita niya ang family picture nila kasama si Sharon pati na ang mga kapatid sa ina na sina Frankie at Miel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin nila ang adoptive brother na si Miguel.

Sharon Cuneta, KC Concepcion, Kiko Pangilinan, #PHElections2022

Throwback photo iyon na kuha ng yumaong master lensman na si Raymund Isaac.

Proud si KC dahil sa dami ng sumusuporta sa tambalan ni Pangilinan at presidential aspirant Leni Robredo.

Base na rin ito sa pinost ni KC na litrato ng campaign rally sa Iloilo noong Pebrero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming salamat, Pilipinas, mula sa puso ng aming pamilya.

"The support coming from the ground is something our parents have never seen since 1986.

"Mahal namin kayo," saad sa caption ni KC kunsaan naka-tag sina Sharon at Kiko.

Ani KC, "for a limited time only" ang pag-uwi niya sa Pilipinas at babalik din siya agad sa U.S.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Even if her dad Gabby Concepcion is currently on lock-in taping, KC Concepcion (black mask and black top) meets up with her paternal siblings Samantha (black mask and purplish brown top) and Savannah (white mask). They're also accompanied by Gabby's wife Genevieve (light brown mask).
PHOTO/S: @kristinaconcepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results