Hindi nagpatinag si Angel Locsin, 36, sa mga akusasyon ng ilang netizens na kontra sa sinusuportahang presidential candidate ng aktres na si Vice President Leni Robredo.
Nitong Lunes, March 14, 2022, ipinost ni Angel ang series of photos na kuha mula sa pangangampanya ng grupo ni Robredo sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kabilang na rito ang Cavite, Manila, Negros Occidental, at marami pang iba.
Ibinahagi ni Angel ang mga larawan kung saan makikitang laging maraming tao sa campaign sorties ni Robredo.
Base sa mga ulat, libu-libong mga tao ang sumusulpot para ipakita ang suporta kay Robredo.
Simpleng caption ni Angel sa IG post: “Pag-asa #MayTheLastMandStandingBeAWoman”
Pero maging ang post na ito ni Angel ay binabahiran ng malisya ng ilang netizens na iba ang sinusuportahang kandidato.
Mahinahong sinagot ni Angel ang ilan sa mga ito sa kabila ng mga malisyosong bintang.
Kagaya na lamang ng isang netizen na inakusahang may ipinamigay umanong campaign materials at nag-aabot ng P500 sa mga dumalo sa campaign sortie ni Robredo sa Isabela.
Sabi ng netizen, tinatanggap ito ng mga residente sa lugar dahil sa hirap ng buhay.
Pag-akusa ng netizen (published as is): “Ung sa ISABELA may card n binibigay,with id and signature with 500 pesos,syempre SA hirap Ng buhay, kukunin mo lng Yung pera, pero Iboto Ang karapat dapat…I have proof, bka sbihin n nman Kasi nila naninira…”
Mahinahon ang sagot ni Angel, pero naka-tag sa reply niya ang iba't ibang media outlets para makaabot sa kanila ang paratang ng netizen.
Ani Angel: “hi! If you have proof, you may contact #comelec @cnnphilippines @gmanews @abscbnnews @tv5manila to address your concern
“let me also tag @lawyersforleni so they can also check your statement thank you.”
Hindi na muling sumagot pa ang netizen.
"Basag," hirit ng isang netizen sa netizen.

Nitong weekend, nangampanya ang grupo ni Robredo sa Isabela Province, na sinasabing balwarte ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang daw ang Isabela sa “solid North” ni Marcos Jr., pero tinatayang 10,000 katao ang nagpakita sa campaign rally ni Robredo.
ANGEL TAKES A SWIPE AT ANOTHER NETIZEN
Samantala, namagitan na rin si Angel sa pag-aaway ng netizens kaugnay ng kanyang post.
Malisyosong komento ng isang basher sa ni-repost na photos ni Angel, “edited” ang photos na kuha sa campaign rallies ni Robredo.
Maraming pro-Robredo ang maayos na sumagot sa basher. Ang iba, hinaluan pa ng biro na bakit tila nangangamba ang basher sa “edited” na photos.
Pero isang supporter ang hindi nakapagpigil.
Tila may sinagot itong basher, pero burado na ang bashing.
Bakas naman sa sagot ng pro-Robredo na tinawag silang “bitter” ng basher.
Kaya sagot ng netizen sa basher: “mukha nyo pang edi[t]. mas bitter ka. Bat ka napunta dito? Bored ba kayo?”

Binaligtad naman ito ng isang anti-Robredo at sinabing “personalan” ang atake sa pagtawag sa kanila ng “mukha edited” at grabe raw “manlait” ang supporter.

Humingi ng pasensiya si Angel sa anti-Robredo dahil sa komento ng fellow supporter ng aktres dahil “nadala ng emosyon.”
Ani Angel, tatanggalin niya ang ibang komento.
Dagdag ng aktres, “hindi po tayo dapat maglaban laban.”
Makahulugan din ang sinabi ni Angel sa pamba-bash ng bashers, na sinagot ng mga pro-Robredo.
Komento ni Angel: “Nandito po kasi kayo sa page na majority ay pro leni kaya may sasagot po talaga kapag may comment kayong hindi tama.”
“Again, pasensiya na po! Hindi po kami masamang tao.”

