PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna on netizen's dream about Derek cheating on her

Ellen has a funny response to netizen's dream about her and Derek.
by Arniel C. Serato
Published Mar 16, 2022
Ellen Adarna reacts to netizen's dream about Derek Ramsay cheating on her
Ellen Adarna exchanges jokes with netizenabout Derek Ramsay cheating on Ellen in her dream.
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Nakipagkulitan si Ellen Adarna sa isang netizen na nanaginip umanong niloko ang sexy actress ng mister nitong si Derek Ramsay, at ang netizen daw mismo ang third party.

Nagsimula ito nang mag-post si Ellen ng isang katuwaang video sa kanyang Instagram account noong Lunes, March 14, 2022.

Mapapanood dito ang isang “intelligent student” mula sa ibang bansa na nagbabasa at dinadaglat ang mga bansang nakasulat sa blackboard.

Nakasulat dito ang mga bansang Japan, Brazil, Canada, at Philippines.

Ang basa ng estudyante sa Philippines ay “Pilipinpines.”

Tawang-tawa sina Ellen at Derek sa kanilang napanood.

Caption ni Ellen sa video: “This is danggggarus [laughing emojis]”

Sa comments section, isang netizen ang nagkuwento tungkol sa kanyang napanaginipan.

Ayon sa netizen, nagloko diumano si Ellen kay Ellen at siya ang third party.

Kuwento ng netizen: “Napanaginipan ko c Derek at ellen.. nag cheat daw c Derek kay Ellen at ako ung third party lol [laughing emoji] nahiya naman sa beauty ko lol [laughing emojis] ako pa talaga...jusmiyo!!! [laughing emojis] galit na galit sakin c Ellen lol [laughing emoji] sorry Ellen ha, panaginip lang un [laughing emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot si Ellen.

Sabi ng sexy star, baka kung may part 2 ang panaginip ng netizen ay patay na ito sa kuwento.

Biro ni Ellen, “baka pagtulog mo mamaya may part 2 panaginip patay kana sa panaginip mo [laughing emojis] lololol joke [laughing emojis]”

Ellen Adarna netizen's dream

Tawang-tawa raw talaga ang netizen sa kanyang panaginip.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot pa niya muli kay Ellen, labis ang kanyang halakhak kinaumagahan dahil dinuro-duro raw talaga siya ni Ellen sa panaginip.

“hahaha agik ik jud nako pagkabuntag...gitudlo2x kuno ko nimo oi lol [lauging emoji]

“kaatay atong damguha lamina (buwisit na panaginip yun) [laughing emoji] mamaya baka mapanaginipan ko ulit...layuan ko na c Derek pramis [lauging emoji]”

Ellen Adarna netizen's dream

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na sumagot si Ellen sa kanyang sagot.

Kagagaling lamang nina Ellen at Derek sa kanilang honeymoon sa Tanzania, sa Africa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna exchanges jokes with netizenabout Derek Ramsay cheating on Ellen in her dream.
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results