Nagtapos na ang Miss World 2021 journey ng Philippine bet na si Tracy Maureen Perez nang hindi siya makasama sa Top 6.
Ang mga kandidatang nag-advance sa Top 6 ay sina Olivia Yace ng Cote D'Ivoire, Carla Yules ng Indonesia, Karolina Vidales ng Mexico, Anna Leitch ng Northern Ireland, Karolina Bielawska ng Poland, at Shree Saini ng USA.
Nakaabot ng hanggang Top 12 si Tracy.
Ginaganap ang Miss World 2021 finale sa Coca-Cola Hall sa San Juan, Puerto Rico ngayong March 16, 2022 (March 17 sa Pilipinas).
Sa ilang sandali ay ipapasa na ni reigning Miss World Toni-Ann Singh ng Jamaica ang kanyang korona.
