PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheryl Cruz on Bruce Roeland's acting: "Para siyang waterfalls"

Bruce on Sheryl's description: "...feels like I’m dreaming, parang hindi totoo."
by Rommel Gonzales
Published Mar 18, 2022
Sheryl Cruz and Bruce Roeland in Magpakailanman episode
Sheryl Cruz on Magpakailanman co-star Bruce Roeland: “Para siyang waterfalls.” The two are headlining the "The Illegal Wife" episode.
PHOTO/S: @sparklegmaartistcenter on Instagram

Ngayong linggo, anim na araw mapapanood si Sheryl Cruz sa telebisyon.

Bukod sa Prima Donnas, na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, makikita si Sheryl sa Magpakailanman ngayong Sabado, March 19, 2022. kung saan gaganap siya bilang si Sonya sa episode na "The Illegal Wife."

Bulalas ni Sheryl nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Zoom mediacon ng Book 2 ng Prima Donnas noong March 16, “Yes! At anak ko dito si Bruce kaya I’m very excited about that."

Ang tinutukoy niya ay si Bruce Roeland, na kanyang co-star sa Prima Donnas at gaganap bilang anak niya na si Peter sa Magpakailanman.

Kasama rin nila sa Magpakailanman si Gary Estrada, na gaganap bilang si Joey, ang asawa ni Sheryl at ama ni Bruce.

“At ang pinaka-icing on top of the cake is that ang aming direktor dito ay walang iba kundi si direk Gina Alajar.”

Si Gina rin ang direktor ng Prima Donnas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So panoorin niyo pong lahat iyan,” pag-anyaya pa ni Sheryl habang kausap namin.

Kahit na masasabing “illegal wife” rin ang papel ni Sheryl sa GMA-7 series na Magkaagaw noong 2020 ay iba raw ang atake niya dito sa bagong episode ng Magpakailanman.

“Actually pinakasalan siya, pero hindi niya alam na second wife na siya. Kaya illegal wife ang episode, ang title ng episode.

“So nalaman lang niya nung bandang huli."

SHERYL ON SHIFTING FROM KONTRABIDA TO MABAIT

Kung kontrabida si Sheryl sa dalawang magkasunod niyang GMA projects, ang Magkaagaw at Prima Donnas, mabait naman siya sa Magpakailanman.

“Hindi ko naman sasabihin na mabait kundi pangkaraniwang tao, at lahat naman ng tao may kanya-kanya namang moods, di ba?

“Lahat tayo, we have our good side, we have our not-so-nice side, di ba?

“Depende sa timpla natin, kung medyo may topak tayo o kung may sumpong, di ba,” at natawa si Sheryl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So not everyone has the best days of their lives, so it’s up to you how you’re going to bring yourself… kung gusto mong lagi kang masungit o galit, o gusto mo naman na lagi kang happy, yung ganun.”

SHERYL ON BRUCE'S ACTING

Puring-puri naman si Sheryl sa Magpakailanman performance ni Bruce.

Aniya, “At saka may revelation dito, si Bruce! Napakagaling magdrama!

“Para siyang waterfalls.”

Ito ang paglalarawan niya sa mga eksenang umiiyak si Bruce. Walang tigil daw ang pag-agos ng mga luha ng young actor.

Na-flatter naman ang 17-year-old newbie.

Reaksiyon niya sa sinabi ni Sheryl, “Galing sa kanya, like parang, feels like I’m dreaming, parang hindi totoo. Kasi isa siya talagang sobrang galing, sobrang galing talaga sa set .

“Kitang-kita talaga yung pagkabeterana niya."

Dugtong ni Bruce, "And hindi lang ho siya, pati si Gary Estrada, ang napakagaling na direktor namin na si direk Gina. So yung vibe po talaga ni direk, sobrang supportive."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BRUCE ON BECOMING A MATINEE IDOL

Mahusay umarte, bukod pa sa guwapo at matangkad, kasama si Bruce sa hanay ng mga young and new Kapuso male stars na sinasabing susunod sa mga yapak ng mga matinee idols at prime leading men ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Alden Richards.

“Ngayon ko lang po narinig iyan, ah. Wow! I mean, parang medyo na-pressure po ako.

“Pero I will do my very best para ma-reach yung expectation ng mga tao, and I will do my best to improve more on myself, and my talents.

“Ayun nga po…wow! Thank you po!”

Kasama rin sa cast ng naturang Magpakailanman episode si Raquel Monteza as Marietta.

Ang "The Illegal Wife" episode ay sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Karen Lustica.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz on Magpakailanman co-star Bruce Roeland: “Para siyang waterfalls.” The two are headlining the "The Illegal Wife" episode.
PHOTO/S: @sparklegmaartistcenter on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results