Moira dela Torre calls out "clickbait" headline: "Baka kayo po yung bayad..."

Mar 19, 2022
Moira dela Torre calls out Manila Bulletin
On Saturday, March 19, 2022, singer Moira dela Torre calls out Manila Bulletin for its "clickbait" article: "Baka kayo po yung bayad para sa mga headline niyo pong nagcclickbait ng ganyan. di po yan maganda, MANILA BULLETIN. Hehe."
PHOTO/S: @moiradelatorre on Instagram

Trending ngayong araw, March 19, 2022, ang comment ng singer-composer na si Moira dela Torre sa aniya's "nagcclickbait" na headline ng isang artikulo sa broadsheet na Manila Bulletin.

Tungkol ang artikulo sa pag-perform ni Moira at iba pang celebrities sa katatapos lang na Leni-Kiko rally.

Naganap ang nasabing rally ng presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo at vice-presidential candidate na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa Cesar C. Climaco Freedom Park sa Zamboanga City, noong gabi ng Huwebes, March 17, 2022.

Kahapon, March 18, 2022, lumabas ang artikulo ng Manila Bulletin na may titulong "Moira dela Torre paid P5M to perform at Leni-Kiko rally?"

Pinagbasehan ng artikulo ang akusasyon ng isang "online marites" na nagsabing bayad si Moira at iba pang nag-perform sa Layag Leni-Kiko rally.

Bukod kay Moira, ilan pang celebrity endorsers and performers na naging bahagi ng nasabing rally ay sina Jolina Magdangal, Rica Paralejo, Nikki Valdez, Yeng Constantino, Bayang Barrios, Erik Santos, Lei Ramos, Rivermaya, Mayonnaise, Moonstar 88, at Gab Valenciano.

THE SOURCE

Sabi ng online marites na source ng artikulo na nakatago sa pangalang Mind Sheep, "GG, 1 to 5 million per artist offer."

Mabilis itong pinabulaanan ng Moira at sinabing, “Hindi po kami bayad. Nag-volunteer lang din po kami.”

Moira dela Torre

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin pinalampas ni Moira ang caption na inilagay ng Manila Bulletin sa Facebook post para i-promote ang artikulo.

Nakalagay sa caption ng kanilang Facebook post (published as is): "Talk has it that singer Moira dela Torre was among celebrities that earned a huge sum recently."

Moira dela Torre

Sa comments section ng nasabing post ibinalik ng singer ang akusasyon sa Manila Bullentin at sinabing, "Baka kayo po yung bayad para sa mga headline niyo pong nagcclickbait ng ganyan. di po yan maganda, MANILA BULLETIN. Hehe."

Patuloy nito, "Kaya niyo naman po gamitin yung platform niyo sa mga mas importanteng bagay na hinde base sa mga "online marites". [emoji] God bless po[emoji]"

Moira dela Torre

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NETIZENS BACK MOIRA

Ilang netizens din ang nagpahayag ng suporta nila para kay Moira at sumang-ayon na "clickbait" nga ang article.

Comment ng isang Facebook user, "This headline is so misleading! May mga taong hindi nagbabasa ng buong article. Sobrang clickbait amp."

Dagdag naman ng isa pang netizen, "Haha seriously? Source: an online marites ? Basura news pala. [emoji]"

Moira dela Torre, Manila Bulletin

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Saturday, March 19, 2022, singer Moira dela Torre calls out Manila Bulletin for its "clickbait" article: "Baka kayo po yung bayad para sa mga headline niyo pong nagcclickbait ng ganyan. di po yan maganda, MANILA BULLETIN. Hehe."
PHOTO/S: @moiradelatorre on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results