Proud Kakampink ang dating aktres na si Rica Peralejo.
Naglalaan talaga siya ng oras upang personal na ikampanya si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at ang katandem nitong si Senator Kiko Pangilinan.
Sumama si Rica sa proclamation rally nina Robredo at Pangilinan sa Cesar C. Climaco Freedom Park, sa Zamboanga City, noong March 17, 2022.
Umabot umano sa lagpas 40,000 katao ang dumalo rito.
Nitong Linggo, March, 20, nag-post si Rica ng mga larawan niya kasama ang iba pang celebrities na dumalo rito katulad ng dati niyang mga kasamahan sa ABS-CBN na sina Jolina Magdangal at Nikki Valdez
Caption dito ni Rica: “Ang rally ni Mam talaga ay parang isang malaking reunion. Hindi ito magulo, marahas, o mapanira. Mapagmahal lang talaga at radikal.
“Ang saya talaga ng feeling pag andun ka, parang isa kasing malaking party!
“Ang mga rally din ni Mam ay puno ng artists, creatives, students, and many many more. At yes, hindi kami bayad.”
May sagot din siya sa mga nagsasabing hindi ang mga kandidato ang pinupuntahan ng mga tao sa rally kundi ang free concert ng singers at banda.
Saad niya: “May nagsasabing concert lang naman talaga ipinupunta ng tao sa rally at kung totoo man yun EH ANO NGAYON?
“Eh kaya nga nangangampanya para makakumbinsi ng di pa desido. Maigi ng makahikayat ng marami pang taong hindi nakakakilala kay Leni-Kiko. Sa huli, if ito ang rason ng pumunta, panalo parin kami!”
Ayon kay Rica, si Robredo talaga ang hinihintay ng mga tao sa mga rally base sa kanyang obserbasyon.
“Ngunit pag nakita nyo ang mga rally makikita niyo talagang si Mam ang inaabangan ng karamihan. Iba din talaga siya bilang inspirasyon. She inspires action kasi. She makes you want to come out of your comfort zone.
“Kaya ito nalang ang masasabi ko: di pa nananalo si mam sa lagay na ito eh
"Naguumapaw na ang volunteers. Sa totoo lang ang problema na ngayon sa mga rallies ay paano paiksiin ang programa kasi pag isinama lahat ng influential people na gusto magendorse kay mam eh baka overnight na tayo abutin.
“So ayun, isipin nyo nalang yung implication na kapag siya ang nanalo, gaano karami pang taong kikilos para tulungan ang mga proyekto at adhikain ni mam diba? Ganun kasi siya. She has the gift not only of gathering people, but of mobilizing them. She able to put the right people together and also set things in motion. She is the true movement — a diverse set of people groups coming together to support her cause. So, #LetLeniLead2022 #thelastmanstandingisawoman”
View this post on Instagram
Noong Sabado, March 19, idinaos naman ang #PasigLaban para sa Robredo-Pangilinan tandem kung saan umabot daw sa halos 137,000 katao ang pumunta.
