Watch Now

Diminutive comedian Dagul on life after showbiz: "Ba't ganoon ang nangyari sa akin?"

by Bernie V. Franco
Mar 23, 2022
Dagul
Diminutive comedian Dagul, Romeo Pastrana in real life, reveals life is harder now that he is no longer active in showbiz. When asked about his savings: "Siyempre sa tagal naubos na rin. Kaya kumbaga survive lang talaga."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz, ABS-CBN Entertainment)

Aminadong hirap sa buhay ngayon ang diminutive comedian na si Dagul, a.k.a. Romeo “Romy” Pastrana, 62.

Nakilala si Dagul sa sitcom na Kool Ka Lang (2001-2003) sa GMA-7 at gag show na Goin’ Bulilit, (2005-2019) sa ABS-CBN. Napanood din siya sa ibang mga programa ng ABS-CBN at maging sa mga pelikula.

Pero matapos mawala sa ere ng Goin’ Bulilit noong 2019, pagkatapos ng labing-apat na taon, hindi na rin napanood si Dagul sa telebisyon.

Nagtatrabaho ngayon si Dagul sa barangay hall ng Montalban, Rizal, kung saan siya ang head ng command center ng mga kagawad sa kanilang lugar.

“Maliit ang kita. Hindi naman ganoon kalaki kasi nga sa barangay, ang ibinibigay sa amin honoraria lang,” sabi ni Dagul sa YouTube interview sa kanya ni Ogie Diaz noong March 20, 2022.

Katuwang din siya ng kanyang misis sa kanilang maliit na sari-sari store. Siya raw ang nagbabantay kapag abala ang misis niya sa mga gawaing-bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag wala akong trabaho Sabado, Linggo, dito ako sa bahay. May maliit kami na tindahan.”

HIS CHILDREN'S TUITION

Aminado si Dagul na malaki ang pagkakaiba ng kita niya ngayon kumpara sa kinikikita niya noong nasa showbiz pa siya.

Si Dagul ay may apat na anak at dalawang apo.

Sa kanyang apat na anak, ang nag-iisang babae at 18-anyos na si JKhriez, 18, na constant honor student, ang nagmana sa height ng komedyante.

Bukod kay JKhriez, may isa pang anak si Dagul na hindi pa tapos sa pag-aaral.

Namomroblema ngayon si Dagul dahil hindi na niya matustusan ang edukasyon ng dalawang anak.

Maliban dito, may problema rin si Dagul sa kanyang mga paa dahil naka-wheelchair na siya.

Hatid-sundo siya ng kanyang isang anak sa barangay hall dahil kailangan siyang buhatin.

“Binubuhat ako ng anak ko para pumasok,” aniya.

“Kasi mahina na talaga. Pag tumayo ako, parang nababali siya.

"Siguro overweight o epekto na siguro medyo matanda ka na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emosyonal si Dagul sa kanyang sinapit dahil limitado na ang paggalaw niya.

“Yung sa isip ko, ‘Ba’t ganoon ang nangyari sa akin? Di ko na kayang maglakad? Mahina na ang tuhod ko?’

“Samantalang dati ang liksi ko, ang bilis kong tumakbo.”

Dagul

ASKING HELP from showbiz friends

Ano ang nangyari sa naipon niya sa pagtatrabaho sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre sa tagal, naubos na rin. Kaya kumbaga, survive lang talaga," sagot ng komedyante.

Pero malaki ang pasasalamat ni Dagul na nakapagpundar siya ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

Inusisa ni Ogie si Dagul kung nagtangka itong humingi ng tulong mula sa mga dating katrabaho.

“Hindi ko nagawa yun dahil nahiya ako," sagot ni Dagul.

Pero dahil daw sa matinding pangangailangan, nakipag-ugnayan siya kay Ogie, na inoohan naman siya.

Nilunok na raw ni Dagul ang kanyang hiya.

“Kung pairalin ko yung hiya, walang nangyari,” aniya.

Humingi ba siya ng tulong mula sa iba pang nakatrabaho noon?

Makahulugang sagot ni Dagul: “Ako kasi, isang halimbawa, tatawag ako… hindi sinasagot, hindi ko na inuulit, kasi nga, alam ko na.”

Hindi raw siya ang tipong nangungulit.

“Sabi ko, ‘Siguro hindi nila sinasagot, busy sila, may mga problema din kaya… inaano ko na, kumbaga, ako, e, ganoon sila.

"Siguro busy rin. Ayun na lang inaano sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hinahangad daw ni Dagul ngayon ay maging stable ang kanyang mga anak bago siya mawala sa mundo.

Kaya sa kabila ng mga pagsubok, desidido siyang magpatuloy lamang.

“Tulad ngayon, mga pangangailangan ng anak ko, sa bahay namin, kung paano ko ma-provide yung ano naman.

“Kaya sabi ko, okay lang, basta kumikilos ka lang. Wag ka lang tamad."

Dagul

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Himutok ni Dagul na hindi masustentuhan ang pag-aaral ng dalawang anak: "Naawa ako sa anak ko. Nakakalungkot, di ko na kaya.

“Kaya sabi ko, bahala na kung anong mangyari.

“Basta ang ano ko lang, huwag tamad-tamad kasi pag tamad ka, talagang walang mangyayari sa buhay mo.

“Ako nga haligi ng pamilya kaya kinakaya ko. Kahit hindi ko kaya, kinakaya ko.

“Nabuhay ako sa mundo. Kahit ganito ako, nakapag-asawa ako. May apat na anak.

"Saka kung naghirap man ako ngayon, hindi ko pinagsisihan iyan. Pasalamat pa rin ako dahil napalaki ko yung pamilya ko.

“Isipin mo ang hindi mo kaya, kakayanin mo para sa pamilya.

“Kung malungkot man ang buhay ko, hindi ko na dinidibdib dahil pag-isipin mo iyan, baka iyan pa ikamatay ko.

“Kaya laban lang.”

Samantala, sinagot na ni Ogie ang natitirang utang sa tuition fee ng anak ni Dagul na si JKhriez para makatapos na ito ng senior high.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diminutive comedian Dagul, Romeo Pastrana in real life, reveals life is harder now that he is no longer active in showbiz. When asked about his savings: "Siyempre sa tagal naubos na rin. Kaya kumbaga survive lang talaga."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz, ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results