Watch Now

Angelica Yap strongly denies "pinatulan si Flow G dahil sa pera" allegation

by Bernie V. Franco
Mar 29, 2022
Angelica Yap Flow G
Social media influencer Angelica Jane Yap addresses hate comment that she got into a relationship with rapper Flow G because of money: "Noooo. Hello!"
PHOTO/S: Facebook (Angelica Yap) / @plojiflowg on Instagram

Mariing itinanggi ni Angelica Jane Yap o Pastillas Girl ang akusasyong nakipagrelasyon lang siya sa rapper na si Flow G nang dahil sa pera.

Si Angelica, kilalang social media influencer at content creator, ay unang nakilala sa dating game ng It’s Showtime noong 2015.

Si Flow G o Archie dela Cruz ay isang Filipino rapper at miyembro ng Ex Battalion.

Parehong higit one million ang followers nina Angelica at Flow G sa kani-kanilang Instagram at YouTube accounts.

Dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa.

Read: Pastillas Girl Angelica Jane Yap, Ex-Battallion's Flow-G: living together, growing together

Gayunpaman, ang ibang kritiko, pinupukol ng puna ang magkasintahan.

Saa YouTube vlog ni Herlene "Hipon" Budol noong March 23, 2022, sinagot nila ni Angelica ang hate comments sa kanila.

Isa sa ibinatong komento kay Angelica: “Mukha kang pera. Pinatulan mo lang si Flow G dahil sa pera.”

Pastillas Girl Flow G

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noooo. Hello!” mariing tanggi ni Angelica.

Pagkatapos nito ay ibinahagi niya ang isang payo mula kay Heart Evangelista na kanyang tinandaan.

Mahihinuhang nakaka-relate si Angelica sa pinagdaanan noon ni Heart at asawang Chis Escudero na inulan din ng batikos ang relasyon.

Paliwanag ni Angelica, “Ako, narinig ko na ito kay Heart. Pinaulit-ulit ko itong sinabi ni Heart Evangelista na, ‘Aanhin mo naman yung pera kung hindi mo naman mahal yung tao?’”

Ayon sa content creator, pantay lang sila ni Flow G pagdating sa aspetong pinansiyal.

“Tsaka ang pera kinikita ko iyan. Kung kumikita ng pera si Archie, ‘Day, kumikita na rin ako ng pera.

“Baka pantay lang kami ng savings, hindi ko alam...”

Buwelta pa ni Angelica sa nagsabi ng hate comment: “Ang babaw niyo na tao. Kung ganoon ang tingin niyo sa ibang tao, kasi kung magdya-judge kayo na ganun ako, malaki yung tsansa na ganun kayo.”

ANGELICA LOVES FLOW G’S PERSONALITY

Ibinahagi rin ni Angelica kung ano ang nagustuhan niya sa kanyang rapper boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako talaga, personality. Kahit naman hindi siya, kahit naman before pa, nakatingin ako sa personality, hindi talaga sa pera.

“Sa totoo lang, ikaw, pag strong independent woman ka, kapag kaya mong ibigay sa sarili mo iyon [pera], ang kailangan mo lang sa lalaki, loyalty, respect, love.

Biro ni Herlene kay Angelica: “So, sinasabi mo hindi gwapo si Flow G?”

Mabilis na tugon ni Angelica: “Ay, guwapo ‘yan, ‘Day.”

Sundot ni Herlene, may mga nababasa rin siyang mga komento na sinasabi raw ni Angelica na hindi guwapo ang kanyang boyfriend.

“Ay, naku, fake page iyon,” paglilinaw ni Angelica.

“Naiinis ako sa mga fake page na mahilig silang mag-post-post ng mga ganyan.

“Mahilig silang mag-caption, maganda naman yung message, pero pangit yung pagkakasabi.

“Naiinis ako diyan, kasi hindi ako ganyan.”

Buwelta niya sa kanyang bashers: “Alam niyo, naiinggit lang kayo sa akin kasi yung jowa ko magaling na mag-rap, sikat, guwapo, tapos yung jowa niyo tamad, walang pera, iresponsable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA-FLOW G ROMANCE

Isinapubliko nina Angelica at Flow G ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng YouTube video noong August 2020.

Kuwento ni Angelica, nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan nang mapasama siya sa music video ng Ex Batallion na “Follow My Lead.”

Aminado si Angelica na kahit siya ay hindi inakalang mabubuo ang isang relasyon sa kanilang dalawa.

“Nagsimula talaga tayo sa bad start. Thinking about it now, before talaga parang maiisip mo talaga na walang kapag-a-pag-asang magiging girlfriend or boyfriend mo kasi nga ang pangit ng start natin,” ani Angelica sa video.

“Wala. Mga patutsada lang talaga. Yung mga vlog natin , yun talaga ang nagiging bonding moment natin, kasi tayong dalawa lang talaga.”

Inamin din ng dalawa na nagli-live in na sila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media influencer Angelica Jane Yap addresses hate comment that she got into a relationship with rapper Flow G because of money: "Noooo. Hello!"
PHOTO/S: Facebook (Angelica Yap) / @plojiflowg on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results