Watch Now

Katrina Halili decides to stay in Palawan while waiting for GMA-7 to renew her contract

by Rommel Gonzales
Apr 2, 2022
katrina halili
Katrina Halili on her contract with GMA-7: “Hindi ko din po alam kung ire-renew po nila ako. May back-up plan naman ako. If hindi, dito na talaga. Six years ago na po plan kasi yun, kaso nire-renew nila ako, kaya iniisip ko may plan pa si God sa akin dun. Pero matagal na po ako nagpapaalam. Nandito po kasi family ko din, ako lang, yaya and si Katie ang nasa Manila."
PHOTO/S: @katrina_halili on Instagram

Nagdesisyon ang Kapuso actress na si Katrina Halili na sa Palawan muna mamalagi habang hinihintay ang pagtatapos ng kontrata niya sa GMA Network.

“Dito na ako nag-i-stay,” pahayag ni Katrina sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Facebook messenger, noong March 19, 2022.

Dagdag pa niya, “Nagpaalam muna ako sa GMA till August. Time muna sa anak ko.

"Kung may project pa sila for me, kasi may contract ako till October pa sa kanila.

“Kung wala na, mananahimik na ako dito."

Ayaw na ba niyang mag-artista kaya siya nagdesisyonng mamalagi muna sa Palawan?

“Ay, hindi naman po!" bualas ni Katrina.

"Start po kasi ng pandemic, napag-isip-isip ko na wala akong oras sa anak ko, magte-ten na po siya."

Ipinaliwanag din ni Katrina mayroong mild autism spectrum disorder (ASD) ang anak niyang si Katie kaya kailangan itong matutukan.

“May mild ASD pa naman po siya, naiiwan ko lang sa yaya. Need ko pong bantayan,” sabi ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maggi-Grade 3 na si Katie bilang estudyante, ayon pa kay Katrina.

Si Katie ay anak ni Katrina mula sa dating karelasyon na si Kris Lawrence.

WHAT KEEPS KATRINA BUSY THESE DAYS

Napag-alaman din ng PEP.ph na ang dive resort ni Katrina sa Palawan ay sarado na mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

“Close na po yun, permanently closed na po yung dive resort, nag-start nung pandemic.”

Kahit sarado na ang resort ni Katrina, may bago siyang pinagkakaabalahan ngayon.

Aniya, “Start po ng February, nagpa-practice ako ng mga pastries ulit and food, nag-aral kasi ako six years ago, in case hindi na ako mag-sign sa GMA.

“Dream ko talaga tumira sa El Nido, and yun talaga gusto ko, magluto at mag-bake..

“So sana, bago mag-August at matagal-tagal din ibinigay kong allowance sa sarili ko, makagawa ako.

“Manila kasi for me, work lang po talaga ang buhay ko.”

Magre-renew ba siya ng kontrata sa GMA sa October?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko din po alam kung ire-renew po nila ako. May back-up plan naman ako. If hindi, dito na talaga.

“Six years ago na po plan kasi yun, kaso nire-renew nila ako, kaya iniisip ko may plan pa si God sa akin dun.

"Pero matagal na po ako nagpapaalam. Nandito po kasi family ko din, ako lang, yaya and si Katie ang nasa Manila.

“At least dito, nakikita ko sila.”

Nirespeto naman namin ang pag-iwas ni Katrina na pag-usapan ang anumang bagay tungkol sa kanyang love life.

PRIMA DONNAS

Sa Book 2 ng Prima Donnas ay pumalit si Sheryl Cruz kay Aiko Melendez bilang kontrabida. Abala kasi ngayon si Aiko sa pangangampanya bilang konsehal ng District 1 ng Quezon City.

Kumusta katrabaho si Sheryl?

Sagot ni Katrina, “Okay naman po ka-work si Miss Sheryl, very professional, wala po akong masamang tinapay sa kanya. Mas close lang talaga kami ni Miss Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She's nice naman to everyone.”

Ano naman ang masasabi ni Katrina sa teen stars na kasama niya sa Prima Donnas?

“Magagaling naman sila, may potential sila na magtagal dahil nakikita ko na gusto nila yung ginagawa nila.”

Ayon pa kay Katrina, “adik” sa trabaho ang teen stars na kasama niya sa Prima Donnas, at siya man ay ganoon din noong teenager pa lamang siya at kaka-graduate sa StarStruck.

“Ako kasi, may time na nag-e-every day ako ng five years, tapos na-stop lng ako seven months nung buntis ako. Tapos work agad.

“Eighteen years na din po ako, pandemic lang ang nagpa-stop. Pero tuloy pa rin naman kahit pandemic, nakapag-shoot pa kami ng dalawang beses ng Prima Donnas ng 2020 and 2021.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on her contract with GMA-7: “Hindi ko din po alam kung ire-renew po nila ako. May back-up plan naman ako. If hindi, dito na talaga. Six years ago na po plan kasi yun, kaso nire-renew nila ako, kaya iniisip ko may plan pa si God sa akin dun. Pero matagal na po ako nagpapaalam. Nandito po kasi family ko din, ako lang, yaya and si Katie ang nasa Manila."
PHOTO/S: @katrina_halili on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results