Watch Now

Angel Locsin visits Marawi City to campaign for Leni Robredo

by Rachelle Siazon
Apr 2, 2022
Angel Locsin, Marawi City, Leni Robredo
Sa pagbisita ni Angel Locsin sa Marawi City, nagkaroon siya ng pagkakataong makahalubilo ang mga residente at makitang may ilang bahagi pa rin ng war-damaged city ang nagmistulang ghost town (inset).
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram

Nagbalik si Angel Locsin sa war-damaged Marawi City limang taon mula nang una siyang bumisita roon.

Nagsagawa ng relief operation si Angel doon noong 2017. At nitong Biyernes, April 1, 2022, ikinampanya naman niya si presidential aspirant Leni Robredo.

Sa Instagram post niya ngayong Sabado, April 2, 2022, ipinasilip ni Angel ang pakikipag-usap niya sa mga residente roon.

Angel Locsin, Marawi City

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinarating ni Angel sa mga ito ang pangako ni Robredo na pabibilisin ang rehabilitasyon ng Marawi sakaling siya ay mahalal na pangulo.

Angel Locsin

Excited ding ibinahagi ni Angel na nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ang isang beneficiary ng Angat Buhay Village, programa ng Office of the Vice President na pinamahalaan ni Robredo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatagpuan doon ang transition shelter units para sa evacuees ng Marawi City.

Sabi ni Angel sa isa niyang Instagram Story, "was able to see the Angat Buhay Village Marawi beneficiary Ate Farida Saga.

"Ate Farida is an AB village resident and partnered with an AB partner to produce PPEs and masks during the height of the pandemic."

Angel Locsin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Angel ang video ng isang lugar sa Marawi City na nagmistulang ghost town dahil bakante ang mga nasirang gusali roon.

Matatandaang tumagal ng limang buwan ang "Battle of Marawi" kunsaan nakasagupa ng mga sundalo ang armed group na Islamic State (ISIS).

Angel Locsin

Angel Locsin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Angel Locsin, Marawi City

Samantala, ngayong Sabado, April 2, 2022, bumisita si Angel sa Cagayan de Oro para pa rin sa pagkampanya kay Robredo.

Narito ang isang litratong pinakita ni Angel na kuha sa Gaston Park:

Angel Locsin, Cagayan de Oro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagbisita ni Angel Locsin sa Marawi City, nagkaroon siya ng pagkakataong makahalubilo ang mga residente at makitang may ilang bahagi pa rin ng war-damaged city ang nagmistulang ghost town (inset).
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results