Watch Now

Jake Zyrus's grandmother Tess Pineda passes away

by Jojo Gabinete
Apr 4, 2022
tess pineda passes away
Raquel Pempengco (right photo) confirms the passing of her mother Tess Pineda, grandmother of singer Jake Zyrus (left photo, with Tess), to Philippine Entertainment Portal. Raquel is asking for financial help for the burial of her mother.
PHOTO/S: Instagram / Raquel Pempengco

Sumakabilang buhay si Teopista Pineda Relucio kahapon, April 3, 2022.

Si Relucio ay mas kilala bilang Tess Pineda, ang lola ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus.

Pumanaw si Tess sa Lopez, Quezon, apat na araw bago sumapit ang kanyang ika-75 na kaarawan sa April 7.

Ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco ang nagkumpirma sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina.

Sa panayam ng Cabinet Files ngayong Lunes ng umaga, April 4, ipinaliwanag ni Raquel kung bakit nakaburol sa Lopez, Quezon ang bangkay ng namayapa na dating naninirahan sa Cabuyao, Laguna.

“Hindi na siya nagising nung umaga. Nakaburol siya sa Lopez, Quezon.

“Si Nanay kasi medyo papunta na sa dementia. Hindi na siya mapakali sa isang lugar.

"Nasa poder ko siya dati, pero lumayas tapos ibinalik ulit sa akin kasi wala nang tumatanggap sa kanya sa Laguna,” kuwento ni Raquel.

Matagal nang walang komunikasyon sina Raquel at Jake kaya hindi niya alam kung nakarating sa kanyang anak ang pagpanaw ng lola nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano ni Raquel na ipa-cremate ang bangkay ng kanyang ina, pero hinihintay lamang niyang malaman ni Jake ang nangyari.

Kabilang ang pamilya ni Raquel sa mga labis na naapektuhan ng coronavirus pandemic kaya nangangailangan siya ng financial help dahil sa pagkawala ng kanyang ina.

Para sa mga gustong tumulong, maaaring magpadala ng abuloy sa Gcash 09956497143, isang bagay na tatanawin ni Raquel na isang malaking utang na loob. Pakilagay na lamang ang inyong mga pangalan para personal niyang mapasalamatan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pempengco (right photo) confirms the passing of her mother Tess Pineda, grandmother of singer Jake Zyrus (left photo, with Tess), to Philippine Entertainment Portal. Raquel is asking for financial help for the burial of her mother.
PHOTO/S: Instagram / Raquel Pempengco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results