Watch Now

Herlene Budol steals a kiss from Alden Richards; says sorry afterwards

by Rachelle Siazon
Apr 4, 2022
Herlene Budol, Alden Richards, Hipon Girl
"Hala ka, Beh. Di natuwa si Alden," observes some netizens who saw the video of Herlene "Hipon Girl" Budol stealing a kiss from Alden Richards during an event in Nueva Ecija. Herlene later posts on TikTok, "Sorry po sa mga nailang para kay Alden..."
PHOTO/S: @herlene_budol TikTok

Pinanggigilan ni Herlene "Hipon Girl" Budol si Alden Richards nang nakawan niya ito ng halik sa pisngi.

Sa sobrang excited ni Herlene na makita nang malapitan si Alden, napatili siya at panay ang lingkis sa Kapuso matinee idol.

"Ahhhhh!!!" sigaw ni Herlene.

Pagkahalik niya sa pisngi ni Alden, hihirit pa sana ng pangalawang stolen kiss si Herlene, pero waring napaiwas ang aktor.

Yumakap na lang siya sa likod ni Alden.

"Alden, my god!" hindi napigilang sambit ni Herlene.

Ibinahagi ni Herlene ang video sa kanyang TikTok nitong Linggo, April 3, 2022.

Sabi niya caption: "Parang Manika si alden walang lait pogi."

Sa comments section, marami ang nakapansing tila na-awkward si Alden sa halik ni Herlene.

Alden Richards, Herlene Budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alden Richards, Herlene Budol

Makalipas ang ilang oras, nilinaw ni Herlene sa comments section ng kanyang TikTok na humingi siya ng sorry kay Alden.

Sabi ng YouTuber-host (published as is): "Sorry po Sa mga nailang para Kay alden nag sorry po ako after at nag paalam din."

Herlene Budol, Alden Richards

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama sina Herlene at Alden sa isang motorcade sa Nueva Ecija noong March 31, 2022.

Si Herlene ay self-confessed fan ng phenomenal teamup na AlDub o Yaya Dub at Alden Richards noon.

Ang kalahati ng AlDub na si Maine Mendoza ang gumanap na Yaya Dub sa sikat na "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 2015 to December 2016.

"AlDub Nation 'to, 'Te," tukoy ni Herlene sa sarili.

Sinabi ito ni Herlene nang makapanayam niya si Angelica Yap, aka Pastillas Girl, sa kanyang vlog noong Marso 2022.

"Nabansagan akong Yaya Dub sa school kasi lagi ko ginagaya mga outfit pati galawan [ni Yaya Dub]," saad ni Herlene.

"Buwisit na buwisit" pa raw siya kay Pastillas Girl na inilunsad naman sa It's Showtime, na karibal na programa ng Eat Bulaga!, noong panahong iyon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hala ka, Beh. Di natuwa si Alden," observes some netizens who saw the video of Herlene "Hipon Girl" Budol stealing a kiss from Alden Richards during an event in Nueva Ecija. Herlene later posts on TikTok, "Sorry po sa mga nailang para kay Alden..."
PHOTO/S: @herlene_budol TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results