Watch Now

Catriona Gray visits ailing father in Australia: "We're out of the woods now."

by Rachelle Siazon
Apr 5, 2022
Catriona Gray
Miss Universe 2018 Catriona Gray reveals her father went through a health scare for the past two weeks.
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram

Ibinalita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na maayos na ang kalagayan ng ama niyang si Ian Gray.

Lumipad patungong Australia si Catriona para makapiling ang amang dumanas daw ng health scare.

Kahapon, April 4, ipinost ni Catriona sa Instagram ang litrato kunsaan magkahawak-kamay sila ng ama.

Hindi niya binanggit kung anong eksaktong sakit ng ama.

"Finally reunited with daddy," saad sa caption ni Catriona.

"I can't even express how grateful I am to God, and my family and friends who were praying alongside my family and I these last two weeks.

"Prayer is so powerful - my family's story is a testament to that.

"It was one of the scariest times, but we're out of the woods now."

Pero diin niya, "My dad is the strongest person I know, my real life hero. Love you papa."

Catriona Gray

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapaglakad-lakad din si Catriona sa beach kasama ng kanyang inang si Mita, base sa Instagram Story ng dalaga.

Catriona Gray

Noong March 30, nasa Singapore si Catriona para sa unveiling ng kanyang wax figure sa Madame Tussauds wax museum.

READ: Catriona Gray unveils her wax figure at Madame Tussauds Singapore

Nabahiran iyon ng kontrobersiya nang magpatutsada ang shoe designer na si Jojo Bragais kay Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila may kaugnayan iyon sa di pagbanggit ni Catriona kay Jojo sa pasasalamat nito sa mga tao sa likod ng kanyang iconic evening gown look sa Miss Universe 2018 coronation night.

READ: Shoe designer Jojo Bragais, may parinig sa di pag-acknowledge sa kanya sa wax figure ni Catriona Gray

Sa ngayon ay walang sagot si Catriona hinggil sa isyu.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray reveals her father went through a health scare for the past two weeks.
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results