Watch Now

Sexy star Cloe Barreto reveals bout with depression: "Feeling ko hindi na ako makakabalik ng showbiz."

by Jerry Olea
Apr 5, 2022
Cloe Barretto
Cloe Barreto on fellow sexy star Christine Bermas: "Wala pong ganun. Hindi po ako nai-insecure. Kasi, iniisip ko po, siguro time nila."
PHOTO/S: Jerry Olea

Napaluha si Cloe Barreto sa storycon ng pelikulang Tahan dahil hindi raw niya akalaing siya ay makakabalik sa showbiz.

Noon lamang July 2021 lumabas ang launching movie ni Cloe.

READ: Baguhang sexy star na si Cloe Bareto, hindi konektado sa controversial Barretto sisters

Pero pag-amin niya, "Kasi po, dumaan po ako sa depression after ng Silab. Nag-stress eating po ako. Nag-gain po ako ng weight.

"So, parang ang feeling ko that time, parang hindi na ako makakabalik sa showbiz. Alam po ni Nanay Len lahat iyan."

Si Janilyn "Len" Carrillo ng 3:16 Media Network ang manager ni Cloe at siya ring nag-produce ng launching film ni Cloe na Silab.

Ang Silab ay idinirek ni Joel Lamangan, at leading men dito ni Cloe sina Jason Abalos at Marco Gomez.

Si Len din ang co-producer ni John Brian Diamante sa Tahan.

Patuloy ni Cloe, "Dumating sa point na ayaw kong may kausap, ayaw kong lumabas ng bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yun po, napakasaya ko nung malaman ko na kasama ako sa project na ito.

"So, ito na yun. Ito na yun. Babalik na ako ulit."

Nakapanayam si Cloe sa storcon ng Tahan nitong Abril 4, Martes ng hapon, sa Music Box, Timog Ave., Quezon City.

Saan nanggaling ang depression na iyon?

"Madami po kasi akong pinagdaanan after nung Silab,” mabining pagbuntong-hininga ni Cloe.

RIVALRY WITH CHRISTINE BERMAS?

Suporta lang noon sa Silab ang kasamahan niya sa all-girl group na Belladonas na si Christine Bermas.

Nang nagpahinga si Cloe, inilunsad ng 3:16 Media Network si Christine sa pelikulang Moonlight Butterfly, na nasundan ng pagbibida rin nito sa Island of Desire.

READ: Newcomer Christine Bermas, pinaghandaan ang maseselang eksena sa Moonlight Butterfly

May competition o rivalry ba sila ni Christine?

"Wala naman po. Grupo po kami, at pag may isang umangat po, lahat po kami ay masaya. Kaya wala pong competition sa amin,” mabilis na tugon ni Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaramdam ba siya ng insecurity kay Christine, maging sa iba pang sexy stars na sumulpot sa Vivamax?

"Wala po. Wala pong ganun. Hindi po ako nai-insecure. Kasi, iniisip ko po, siguro time nila," katwiran ni Cloe.

Dagdag niya, "Darating din yung para sa akin."

cloe give thanks to people behind her new project

Napahikbi si Cloe sa pagtatapos ng open forum kung saan pinasalamatan niya ang mga dumalo sa story, kabilang ang mga taga-production.

"Salamat po sa producer namin na si Nanay Len na walang sawang magbigay ng tiwala sa kakayahan ko," paglagaslas ng luha ni Cloe.

Pinasalamatan din siyempre ni Cloe ang kasamahan sa Belladonas na si Quinn Carrillo, na scriptwriter ng bago niyang movie.

Si Quinn ay anak ng manager-producer na si Len Carrillo.

"Kay Ate Quinn, kasi sinusulat pa lang niya, tinawagan na niya ako agad! Sabi niya, 'Uy, bagay ito sa ‘yo!'" lahad ni Cloe.

"Sabi ko, ‘Sige, gawin mo na! Tapusin mo na!’ Hu! Hu! Hu!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap si Cloe sa Tahan bilang Elisse, isang prosti na hayok sa laman. Labing-isang (11) taong gulang si Elisse nang mag-umpisang ibugaw ng kanyang inang si Nora (Jaclyn Jose).

Nasa cast din ng Tahan sina JC Santos, Quinn Carrillo, Karl Medina! AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon.

Ang direktor ay si Bobby Bonifacio Jr.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cloe Barreto on fellow sexy star Christine Bermas: "Wala pong ganun. Hindi po ako nai-insecure. Kasi, iniisip ko po, siguro time nila."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results