Watch Now

Dawn Chang says choosing VP Leni Robredo for president "is the right thing to do"

by Arniel C. Serato
Apr 6, 2022
Dawn Chang happy to support presidential aspirant Vice President Leni Robredo
Dawn Chang in choosing Vice President Leni Robredo as her president in the upcoming May 9, 2022 elections: “I'm at a stage of my life where I'm manifesting the right kind of love dahil in the next 6 years ng buhay ko, importante sakin ang kinabukasan ng magiging pamilya ko, lalo na ng magiging anak ko."
PHOTO/S: Courtesy: @thedawnchang on Twitter

Nanindigan si former Pinoy Big Brother housemate na si Dawn Chang sa kanyang napiling presidential aspirant sa darating na May 9, 2022 elections.

February 9 nang ianunsiyo ni Dawn na ang susuportahan niya sa pagkapangulo ay si Vice President Leni Robredo.

Pahayag niya noon sa kanyang social media post: "It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay VP Leni Gerona Robredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito."

Kasabay nito ang pagbatikos ni Dawn sa kasamahan niya sa ABS-CBN na si Toni Gonzaga na hayagang sinuportahan ang kandidatura nina presidential aspirant at former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

Si Toni, isa sa pinakamalaking artista ng ABS-CBN, ang nagsilbing host ng proclamation rally nina Marcos at Duterte noong February 8, kung saan kabilang sa magiliw nitong ipinakilala si SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta, na kasama sa senatorial lineup ng Uniteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marcoleta ang isa sa mga naguna sa panggigisa sa mga executive ng ABS-CBN sa isinagawang Senate hearing kaugnay ng franchise renewal application ng Kapamilya network.

Isa rin siya sa 70 kongresista na bumoto para tuluyang ibasura ang franchise application ng dating giant network.

Read: Ex-PBB housemate Dawn Chang "deeply insulted and disappointed by the actions" of Toni Gonzaga

Sa bagong post ni Dawn sa Twitter ngayong araw, April 6, muling inihayag ng dating GirlTrends member na mahalagang manindigan siya ngayon pa lang para sa kanyang pamilya at sa mga magiging anak niya.

Nais daw niyang pagdating ng araw ay purihin siya ng kanyang anak dahil sa taas ng standards niya pagdating sa pagpili ng mamumuno sa bansa.

Saad ni Dawn, “I'm at a stage of my life where I'm manifesting the right kind of love dahil in the next 6 years ng buhay ko, importante sakin ang kinabukasan ng magiging pamilya ko, lalo na ng magiging anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have to make the right decisions everyday big or small and choosing her as my president is the right thing to do.

“Gusto ko sabihin ng anak ko na ‘I’m proud of you mom, ang taas ng standards mo sa pagpili ng leader.’”

Baka raw kasi balang araw ay tanungin siya ng anak kung bumoto siya taliwas sa kanyang standards.

Hindi rin daw siya mapapatahimik ng mga taong ayaw sa kanyang sinusuportahan.

Parunggit pa niya, “Ayoko kahit kailan kwestyunin ng magiging anak ko na bakit ako bumuto ng magnanakaw, sinungaling, at tax evader.

“Hindi ko ijajustify ang mali para lang hindi ako mapahiya.

“Now that I have a choice at meron akong kayang gawin, hindi ako mapatatahimik ng kahit na sino dahil ang laban ng ating bukas ay ngayon.”

Binigyang-diin din ni Dawn na hanggang ngayon ay hindi nito ma-access ang kanyang Facebook account matapos itong ma-hack sa kadahilanang nanindigan siya sa kanyang pinaniniwalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “P.S. May Facebook page was hacked nung una akong nanindigan and up to this day hindi ko pa rin sya narerecover. Huwag na kayo mashock if after this post mawala ang iba kong soc med accounts.”

Kabilang si Dawn sa nagsilbing emcee sa campaign rally nina Robredo at vice presidential aspirant Kiko Pangilinan sa Rizal kahapon, April 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang in choosing Vice President Leni Robredo as her president in the upcoming May 9, 2022 elections: “I'm at a stage of my life where I'm manifesting the right kind of love dahil in the next 6 years ng buhay ko, importante sakin ang kinabukasan ng magiging pamilya ko, lalo na ng magiging anak ko."
PHOTO/S: Courtesy: @thedawnchang on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results