PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariel Rodriguez reveals most hurtful comment about her weight gain

"Yung pinakanakakainis ay ‘Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka.’"
by Arniel C. Serato
Published Apr 6, 2022
Mariel Rodriguez speaks up about her weight
Mariel Rodriguez pokes fun at her weight gain: "May pakialam ako kasi tao ako, masakit. Pero, kaya lang, hindi ko naman sila masisisi dahil totoo."
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube

Aminado si Mariel Rodriguez na nadagdagan ang kanyang timbang.

Pabiro niyang sinabi na nasasaktan siya kapag sinasabihang "mataba" dahil tao lamang siya.

"May pakialam ako kasi tao ako, masakit. Pero kaya lang, hindi ko naman sila masisisi dahil totoo," pahayag ni Mariel sa panayam ng talent manager at entertainment writer na si Ogie Diaz sa vlog nito kahapon, April 5, 2022.

Ayon sa misis ni Robin Padilla, hindi pa niya maasikaso ang pagpapapayat dahil wala pa siyang balak sumabak muli sa showbiz.

“It’s just that wala pa ako dun sa phase na yun. Hindi ko pa talaga siya magawa.

"Siguro, yung drive nawala because before alam ko babalik ako sa showbiz, e, kaya kailangan magpapayat ako talaga agad kasi babalik ako, e.”

Nausisa rin si Mariel kung ano ang pinakamasakit na salitang naibato sa kanya dahil sa pagtaba niya.

Sagot niya, “Bashing? Siguro yung pinakanakakainis ay ‘Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang ganun, to that effect. But you know what, Robin has never complained.

"Though sometimes, sometimes, kumain kami sa labas, first time naming kumain sa labas.

“Ang dami kong in-order kasi first time in two years, first time niya akong pakainin sa restaurant.

“So, ang dami ko in-order, order ako ganyan, tapos may additional pa akong di niya kinain, nagpa-additional order pa ako. Tapos sabi ko, di talaga niya kinain.

"Tapos, kumakain kaming dalawa. After nun, sinabi na, ‘Babe, kahit na gusto pa kitang samahan, hindi ko na gusto yung mas malaki pa yung kargado mo kaysa sa akin.’

“Alam mo, nasa-shock na lang siya na I can eat so much, oo, na kaya ko. Kasi siya, si Robin, hindi naman siya talaga tumataba, nasa genes nila.

“Ako, uminom lang ako ng tubig, bukas balloon na naman ako.”

Ngayon daw ay magpu-focus muna si Mariel sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak ni Robin dahil maliliit pa ang mga ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Mariel, “E, right now nasa bahay lang ako, e, akala ng mga anak ko kutson ako.

“Pag nanonood ng TV, kailangan nakapatong sila sa akin.

“O minsan, kumakain sila, nakapatong, lalo na yung bunso ko, akala niya kutson ako.

“Sarap na sarap sila sa body ko.”

Pero ini-enjoy naman daw ito ni Mariel dahil paglaki nina Isabella at Gabriela, hindi na niya ito magagawa.

Sabi ng dating It’s Showtime host, “Pero pag lumaki sila, di ba, mami-miss ko yun? Mandidiri na sila sa akin, ikakahiya na nila ako. Mae-embarrass sila.

“So, ini-enjoy ko talaga yung times na yun.”

ON HUSBAND ROBIN’S SENATE BID

Walang pag-aalinlangan naman daw na suportado ni Mariel ang pagtakbo ni Robin sa pagka-senador sa paparating na halalan.

Aniya, “I told him na, whatever it is that he wants, I will support.

“Sinabi ko on my vlog, nung last na nakunan ako, yung last nakunan, tapos si Robin never made me feel bad na, ‘A, hindi ka buong babae kasi nga hindi ka magkakaroon ng anak,’ or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He never made me feel bad. In fact, sobra niya akong sinuportahan.

"So I said, ‘Whatever this guy wants to do, whatever he decides on, whatever he does, I will support.’ And to this day, I’m keeping that promise.”

Bilang suporta sa kandidatura ng asawa, nagla-live selling si Mariel ng kanyang mga koleksiyong bag, sapatos, at iba pa.

Read: Robin Padilla reacts to wife Mariel Rodriguez's live selling on Facebook

Aniya, “Yes, most of yung kinikita ko talaga ipinangbibili ko ng tarp, pinangpapagawa ko ng T-shirt.

“Sa huli kong live selling, nakapagpagawa ako ng caps, ng baller.

“Kasi pag nagpapagawa ako ng mga T-shirt, hindi naman yung maramihan na parang, ‘O, 50,000.’ Hindi, e, Wala namang ganun, e.

“So, pag nagpapagawa ako, oo, tingi-tingi lang. At pag nagpapagawa ako ng tarp, at most, 1,000 caps, ganyan.”

Si Robin ay tumatakbo sa senado sa ilalim ng UniTeam nina presidential aspirant at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa latest Pulse Asia survey na lumabas ngayong araw, April 6, nasa ika-siyam na puwesto si Robin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Rodriguez pokes fun at her weight gain: "May pakialam ako kasi tao ako, masakit. Pero, kaya lang, hindi ko naman sila masisisi dahil totoo."
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results