Watch Now

LVN star Carlos Salazar passes away at 90

by Jojo Gabinete
Apr 7, 2022
oscar salazar
Former matinee idol Oscar Salazar passed away Thursday, April 7, 2022. He was 90.

Pumanaw ngayong Huwebes ng umaga ang veteran actor na si Carlos “Rusty” Salazar (October 26, 1931-April 7, 2022). Siya ay 90 taong gulang.

Kinumpirma ito sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng kanyang anak na si Anton Ram Roldan.

“He died peacefully in his sleep. He died of old age.

"Humina rin siya dahil sa pandemic. Nawala ang social life niya, na-bored sa bahay at na-depress dahil ang mama ko ang nauna na kinuha ni Lord na mahal na mahal niya," pahayag ni Anton.

Magsisimula ang public viewing para sa mga labi ni Carlos sa Funeraria Paz, Araneta Avenue, Quezon City, bukas, April 8.

Si Fernando Poe Sr., ama ng King of Philippine movies na si Fernando Poe Jr., ang discoverer ni Oscar.

Si Oscar ang bida sa isang stage play na itinanghal noon sa Far Eastern University na napanood ni Fernando Sr., at ito ang nag-alok sa kanya na pasukin ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang movie career ni Oscar noong 1952 nang maging contract star siya ng LVN Pictures.

Ipinakilala siya sa comedy movie na Tia Loleng na pinagbidahan nina Armando Goyena, Tessie Agana, Tessie Quintana, at Nida Blanca.

Isa si Oscar sa mga pinakaguwapong aktor ng kanyang henerasyon pero pinili niyang talikuran ang showbiz noong kanyang kasikatan para ibuhos ang panahon sa sariling pamilya.

oscar salazar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang commercial model na si Carmen Fernandez, kapatid ng namayapang aktor na si Eddie Fernandez, ang babaeng pinakasalan ni Oscar. Biniyayaan sila ng pitong anak.

Anak ni Eddie si Pops Fernandez kaya pamangkin ni Oscar ang singer sa asawa nito.

Pamangkin naman ni Oscar sa father side ang aktor na si Wendell Ramos.

Ang Be Careful with my Heart (July 2012-November 2014) ng ABS-CBN ang huling television appearance at acting assignment ni Oscar.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former matinee idol Oscar Salazar passed away Thursday, April 7, 2022. He was 90.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results