Pagkandong ni Tutti Caringal sa isang babae sa rally, "pure fun" o "distasteful"?

by KC Cordero
Apr 7, 2022
Tutti Caringal; at the right dancing in front of a female supporter
Binatikos ng Gabriela at Commission on Human Rights ang pagkandong ni Tutti Caringal sa babaeng supporter sa ginanap na rally sa Laguna. Ayon naman sa 6Cyclemind vocalist na tumatakbong board member, “pure fun” ang nangyari at walang violation na naganap.

"Popular Now" sa Facebook search ang 6Cyclemind vocalist na si Tutti Caringal, na isa ring councilor sa Cabuyao, Laguna.

Sa kumakalat na video na kuha sa isang campaign rally sa Laguna, makikitang sumasayaw at gumigiling siya habang nasa harap ng mga supporters.

Naroon din sa rally si Calamba Mayor Timmy Chipeco.

May bahagi pa ng video kung saan nagpakandong si Tutti sa isang babaeng supporter, at tinanggal ng bokalista ang face mask niya at ng babae.

Tutti Caringal dancing in front of a female supporter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights at Gabriela Partylist sa kumakalat na video.

Gabriela Partylist reacts to Tutti Caringal's lap dancing

Ayon kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, "Kahit sabihin na masaya ang pagtanggap ng mga dumalo sa pangyayari, iba ang pahiwatig ng video ng campaign rally nila.

“Hindi dapat gawing normal ang pagpapakandong sa kababaihan ng mga gustong umupo sa poder."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "This is a distasteful display of women's subjugation to men in power supposedly for entertainment purposes—when acts with sexual insinuation should not be material for fun.

“This contributes to the normalization of sexual harassment."

Pinayuhan din niya ang mga kandidato “to refrain from sexualizing and objectifying women in their political campaigns."

Ayon naman kay Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, “We condemn this incident as it is not only exploitative of women and demeans their inherent dignity, but it also debases the incumbent office, which the political aspirants hold.

“Further, it breaks health protocols as set by the Commission on Elections and Department of Health, especially that the pandemic is not yet over.”

Pinaalalahanan ni De Guia ang mga kandidato na ang mga kababaihan ay hindi dapat gawing “objectified” at gamiting bahagi ng entertainment para lang makakuha ng boto.

Aniya, “As the Gender Ombud, CHR takes this occasion to reiterate to the political aspirants involved and their party-mates that women are not sexual playthings to be objectified for the purposes of entertainment for the sake of garnering votes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Those in government, including those aspiring to be leaders, need to always bear in mind the primacy of respecting human rights.”

Dapat din aniyang maging mabuting halimbawa ang mga kandidato sa pagsunod sa health protocols.

Tutti Caringal and Timmy Chipeco

Paliwanag naman ni Chipeco, walang malisya sa nangyari sa kampanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was a joyous event. Nothing malicious. Everybody was laughing. There was no malice when the incident happened.

“Everyone was having fun and smiling. There was no aggrieved party. Walang nabastos.”

Inilarawan naman ni Tutti ang nangyari sa rally bilang "pure fun."

Tumatakbo siya ngayon bilang board member ng Laguna.

Aniya, “If you watch the video closely, it was pure fun. Kung may na-violate doon, hindi magiging ganun ang reaksiyon ng tao, the crowd or even the person involved.”

Tungkol naman sa pagpunang tinanggap niya, ani Tutti, “In the first place, wala naman sila doon. Wala sila sa eksena, hindi nila alam ang mood ng tao, and why should they dictate kung paano nga dapat magsaya ang tao?

“Kanya-kanyang pamamaraan iyan kung paano gustong sumaya ang mga tao.”

Noong April 7, 2022 ay nag-post si Tutti sa kanyang Facebook ng video kung saan nagbabahay-bahay siya sa pangangampanya.

Ang kanyang caption (published as is): “Request granted. Mas sarap mangampanya ng nakakapagpasaya kesa manira ng manira. Do not let anyone dictate how you should smile and be happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binatikos ng Gabriela at Commission on Human Rights ang pagkandong ni Tutti Caringal sa babaeng supporter sa ginanap na rally sa Laguna. Ayon naman sa 6Cyclemind vocalist na tumatakbong board member, “pure fun” ang nangyari at walang violation na naganap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results