Watch Now

Donita Rose introduces new boyfriend on Instagram: “That’s Felson Palad for you peeps.”

by Arniel C. Serato
Apr 7, 2022
Donita Rose reveals new boyfriend Felson Palad via Instagram
Actress-host Donita Rose is now in relationship with Felson Palad.
PHOTO/S: Courtesy: @dashofdonita on Instagram

Pagkatapos ng ilang taong pagiging loveless, may bagong nagpapatibok sa puso ng TV host-actress na si Donita Rose.

Unang nagpahiwatig si Donita, na nakabse na ngayon sa Amerika, tungkol sa bago niyang inspirasyon sa pamamagitan ng Instagram noong March 27, 2022.

Nag-post siya ng larawan niya kung saan kasama niya ang isang lalaking nakatago sa kanyang likuran na kalahating mukha lamang nito ang kita.

Maiksing caption ni Donita: “I think it’s safe to say I’m seeing someone…”

View this post on Instagram

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Nitong Huwebes, April 6, muling nag-post si Donita ng larawan nila ng nasabing lalaki pero hindi pa rin niya ito pinangalanan.

Caption lang niya: “The grass seems greener these days, or is it just me?”

View this post on Instagram

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Ngayong Huwebes, April 7, pinangalanan na sa wakas ni Donita ang kanyang special someone.

Siya ay si Felson Palad, na ayon sa sagot ni Donita sa isang follower niya ay isang mang-aawit.

Ayon pa kay Donita, tinawagan siya ng boyfriend dahil nag-post na rin ito sa Instagram ng larawan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong daw ni Donita si Felson kung ito ang "introduction photo" nila sa pagsasapubliko ng kanilang relasyon.

Lahad ng aktres, “After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos.

“When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo’?

"His response: ‘Para habang tumatagal pumopogi ako.’ (‘So as time goes by, I’ll become more handsome.’) I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps. #micdrop

View this post on Instagram

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Nagkomento rito ang matalik na kaibigan ni Donita na si Ruffa Gutierrez.

Kilig na sabi ni Ruffa, "Awwwwww!!! Happy for you, Dee!! [heart emojis] smileeeeee and laugh!!"

Pabirong tugon ni Donita, "@iloveruffag Akala mo Ikaw lang? [laughing emojis]"

Donita Rose reveals new boyfriend on Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil ang tinutukoy ni Donita ay ang napapabalitang pagkakamabutihan nina Ruffa at Herbert Bautista.

Read: Ruffa Gutierrez confirms Herbert Bautista "#1 sa puso ko"

"LIFE IS SHORT"

Sa post naman ni Felson, sinabi nitong maiksi lamang ang buhay kaya ang dapat mong mahalin ay isang taong mas mahal ang Diyos kaysa sa iyo.

Caption niya: “Twilight! [laughing emojis] life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you."

View this post on Instagram

A post shared by Felson Palad (@felsonpalad)

Anim na taon nang single si Donita matapos silang maghiwalay ng dating asawang si Eric Villarama noong taong 2016.

Noong 2018, nagkuwento si Donita na ang pakikipagrelasyon ni Eric sa ibang babae ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan.

Read: Donita Rose reveals how she discovered ex-husband was cheating on her

Sa ngayon daw, nananatili silang magkaibigan ni Eric.

Co-parenting ang paraan nila sa pagpapalaki sa anak nilang si Joshua Paul o JP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-host Donita Rose is now in relationship with Felson Palad.
PHOTO/S: Courtesy: @dashofdonita on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results