Maja Salvador reveals adjustment when boyfriend Rambo Nuñez Ortega became her business partner

by Melba R. Llanera
Apr 7, 2022
Maja Salvador
Maja Salvador on how she spends time with boyfriend Rambo Nuñez Ortega during busy days: "Kahit isang oras lang na dinner or kung anuman, basta ma-feel namin na boyfriend-girlfriend kami. Yun naman ang importante din na ginagawa niyo both."
PHOTO/S: @maja / @rambonunez Instagram

Hindi nakikita ni Maja Salvador na iiwan niya ang mundo ng showbiz kahit na dumating ang panahong mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Rambo Nuñez Ortega.

Hindi na lang dahil sa pagmamahal niya sa pag-arte kundi magkatuwang pa sila ni Rambo sa pagpapatakbo ng pag-aari nilang talent agency, ang Crown Artist Management. Si Rambo ang chief executive officer, habang ang aktres ang chief operating officer.

Sabi ni Maja, "Kahit naman ma-engage ako, magkaroon ako ng pamilya, hindi ako matatahimik.

"Na-love ko na masyado ang industry, lalo na ngayon na mayroon na kaming management.

"I think never na akong mawawala sa industriya. Parang forever na akong nandiyan.

"Siguro hihinto lang ako pag naging preggy tayo, baka dun lang tayo kumalma. Baka nga hindi pa, makita ninyo nagho-host lang ako bilang workaholic tayo."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa "Her Majesty Reigns" media conference at renewal ng kanyang contract sa Cignal Entertainment at sa TV5. Ginanap iyon sa TV5 compound sa Mandaluyong City noong April 4, 2022.

Continue reading below ↓

Dito ay ipinunto ni Maja na ayaw niyang bigyan ang sarili ng timeline sa paglagay sa tahimik.

"Let's see. Hindi ko rin masagot because ayokong sabihin na 'Hindi pa, after two years, after three years,' tapos di mangyayari.

"Ayoko rin kasing mag-expect ako," saad ni Maja.

Ano ang adjustment nila ni Rambo mula nang magkasama sila sa negosyo?

Sagot ni Maja, "Siguro yung ano lang, hindi kayo makapag-date every day. Ang date ninyo ay puro meetings.

"Ang maganda naman ay nagagawan namin ng paraan.

"Kahit isang oras lang na dinner or kung anuman, basta ma-feel namin na boyfriend-girlfriend kami. Yun naman ang importante din na ginagawa niyo both."

MAJA'S COMPANY TO LINE PRODUCE FOR TV5

Sunud-sunod ang mga trabahong gagawin ni Maja sa Kapatid Network dahil sa tagumpay ng teleserye niyang Niña Niño.

Ang Crown Artist Management, na pinapatakbo nila ni Rambo, ang magsisilbing line producer sa sitcom na gagawin ni Maja sa TV5.

Continue reading below ↓

"Siyempre, happy, may mga projects tayo na gagawin under Cignal and TV5. Yung isa nga is sitcom tapos ang magla-line produce ay Crown Artist Management.

"Isang malaking hakbang yun for us. Isang malaking project sa amin.

"Yung susunod, after Niña Niño, sitcom then teleserye naman. Very exciting ang 2022 hanggang 2023.

"I think isa sa services yun ng Crown talaga, hindi lang yung pagma-manage. Puwedeng mag-produce kami ng films, ng mga events."

Para kay Maja, ang tagumpay ng Crown Artist Management ay ang pinagsama-samang effort ng lahat ng tao na nasa likod nito.

"Hindi lang naman ako. Yung team talaga namin. Tulad nga ng sabi ko, hindi si COO lang, kaming Crown family ang nag-uusap-usap.

"Dun kami nae-excite. Pag mayroon kaming new artist, naglalaro na ang utak namin kung paano natin ilu-launch, ano ang mga possible projects na puwede niyang gawin.

"Challenge for us din kasi talaga na artista na siya. Ano ang puwede naming gawin para i-relaunch siya or may something new?

Continue reading below ↓

"Yung mga teasers nila, yung mga launch materials nila, isa ako sa kumakausap sa kanila."

ON MANAGING HER CAREER AS A STAR AND AS A MANAGER

Isang artista, host, at COO ng Crown Artist Management, marami ang nagtatanong kung paano hinahati ni Maja ang oras para magawa niya ang mga responsibilidad na nakaatang sa balikat niya.

"Hindi ko rin alam. Pero pag artista ako, artista ako, nakapokus ako dun. Alam 'yan nila Ate Miks," saad ni Maja. Si Mikki Gonzalez, na tinawag ni Maja sa palayaw na Miks, ay bahagi rin ng Crown Artist Management.

"And kunwari for reviews, contracts, and all, or may need akong i-approve... O kaya pag minsan pag may kailangan na kailangan na talaga yung sagot, sila na talaga ang magde-decide and then ia-update na lang.

"Tapos pag wala namang work, yun lang din nakababad kami sa mga Zoom meetings, sa cellphones.

"Kasi nga wala kaming ibang ginawa kundi mag-chikahan."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on how she spends time with boyfriend Rambo Nuñez Ortega during busy days: "Kahit isang oras lang na dinner or kung anuman, basta ma-feel namin na boyfriend-girlfriend kami. Yun naman ang importante din na ginagawa niyo both."
PHOTO/S: @maja / @rambonunez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results