Watch Now

Madam Inutz reveals receiving P137,000 in her e-wallet from followers

by Bernie V. Franco
Apr 7, 2022
Madam Inutz
Former PBB Kumunity Season housemate Madam Inutz: “Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta! Puro pa-shoutout. Ako rin nagtataka sa sarili ko, ‘Pamura, Madam,’ di ba po? Walang mine. Puro pamura lang talaga.”
PHOTO/S: YouTube (Kapami

Ibinahagi ni Madam Inutz—Daisy Lopez sa totoong buhay—ang malaking biyayang natanggap niya mula sa kanyang mga tagasubaybay sa social media.

Si Madam Inutz ay viral online seller na naging housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season ngayong taon.

Isa na rin siyang artista, singer, at content creator.

Kabilang siya sa My Papa Pi, ang ongoing ABS-CBN weekend sitcom na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

madam inutz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Madam Inutz dahil sa kanyang kuwelang pagsasalita na hinahaluan niya ng pagmumura.

Milyun-milyon ang kanyang views kada live onling selling sa Facebook.

Pero himutok ng single mom at breadwinner na ito, pinapanood siya ng netizens para maaliw sila at hindi para bumili ng kanyang mga ibinebenta.

“Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa.

“Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta!” natatawang kuwento ni Madam Inutz sa episode ng Magandang Buhay nitong April 7, 2022.

“Puro pa-shoutout. Ako rin nagtataka sa sarili ko, ‘Pamura, Madam,’ di ba po?

"Walang mine. Puro pamura lang talaga.”

Ang pagiging entertaining ni Madam Inutz ang naging daan para magkaroon siya ng malaking following.

Naikuwento rin ni Madam Inutz ang tungkol sa malaking halagang natanggap niya mula sa kanyang followers sa loob lamang ng isang gabi.

“Sinasabi nila, andami kong nakikitang comment na, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang yung Gcash number.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga tagasubaybay raw si Madam Inutz na nais siyang padalhan ng pera via e-wallet, pero hindi raw niya ito pinapaboran.

“And then, siyempre ako naman as a naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.

“Tapos ang ginawa ng pamangkin ko, siyempre nakita niya ilang oras ako nagla-live wala talaga akong benta. Pinin niya yung Gcash.”

Kinabukasan, nagulat daw si Madam Inutz sa naipong halaga sa kanyang e-wallet.

“And then kinabukasan, paggising ko, umabot ng PHP137,000 yung Gcash.”

Lumalabas na ang amount na nakuha niya sa loob lang ng isang gabi ay ang kabuuan ng malilit na halagang ipinadala sa kanya ng maraming tagasubaybay.

SINGLE MOM, BREADWINNER

Naikuwento ni Madam Inutz na bago siya nakilala, hindi biro ang maging breadwinner ng pamilya.

Nakaasa kasi sa kanya ang tatlong anak at mga magulang na senior citizens.

“Siyempre po, sobrang hirap bilang single mom na ikaw na yung ina, ikaw pa yung ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Tapos wala naman akong stable na hanapbuhay.

“Kumbaga sa posisyon ko, hindi ako puwedeng magkaroon ng dahilan para maging tamad.

“Kailangan kong gumawa ng paraan para buhayin po talaga sila.”

Dagdag niya, “Siyempre, dumating po talaga sa punto na para ka nang maloloka sa dami ng obligasyon mo...

"Especially nanay ko bedridden, nasa akin din siyempre, pareho nang senior citizen yung magulang ko.”

Nang mangyari ang pandemya, naisipan niyang mag-live selling para may mapagkakitaan.

“Kumbaga, parang kailangan kong gumawa ng paraan para buhayin sila.”

Hindi alam ni Madam Inutz, iyon din pala ang magiging daan para maging viral siya at mabigyan ng pagkakataon sa showbiz.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former PBB Kumunity Season housemate Madam Inutz: “Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta! Puro pa-shoutout. Ako rin nagtataka sa sarili ko, ‘Pamura, Madam,’ di ba po? Walang mine. Puro pamura lang talaga.”
PHOTO/S: YouTube (Kapami
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results