Watch Now

Julie Anne San Jose has kilig answer to question about real score with Rayver Cruz

by Rose Garcia
Apr 8, 2022
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Julie Anne San Jose on Rayver Cruz: "Yes, we’re very okay po. Uso rin po kasi sa amin yung nagdya-jamming kami palagi, naggi-guitar kami. Tapos, nagpa-practice kami para sa iba namin."
PHOTO/S: CTTO via @justbella01 Twitter

Nakikita naman sa aura ngayon ng tinagurian ng GMA Network na "Limitless Star" na si Julie Anne San Jose ang pagiging masaya.

"Happy, I’m very happy," sagot ni Julie Anne nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta siya ngayon.

At siyempre, madaling isipin na ang kapwa Kapuso star at nali-link sa kanyang si Rayver Cruz ang dahilan ng kaligayahan ni Julie Anne ngayon.

Biniro namin si Julie Anne na parang “kasalanang mortal” kung sakaling hindi namin itatanong sa kanya kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nilang dalawa ni Rayver.

Nasusubaybayan ng masugid nilang fans ang madalas na pagsasama at interaction nina Julie Anne at Rayver kahit sa mga social media account nila.

Hindi raw maitatanggi ang sweetness sa pagitan ng dalawa.

Natatawang sagot ni Julie Anne, "Sa tingin ko po, mas maganda kung siya na lang ang tatanungin niyo. Parang mas okay po kung sa kanya manggagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But yes, we’re very okay po. And yun nga po, sa mga latest post namin, madalas niyo po kaming nakikitang naggi-guitar, that’s also for preparation for Limitless: Rise."

Aminado si Julie na madalas silang nagkaka-bonding ni Rayver.

"Yun po, people have been curious about—kung ano yung mga ibang pinagkakaabalahan namin, like, both individually and together.

"Uso rin po kasi sa amin yung nagdya-jamming kami palagi, naggi-guitar kami. Tapos, nagpa-practice kami para sa iba namin."

Naging special guest na ni Julie Anne si Rayver sa Limitless Part 2: Heal noong November 2021, pero special guest pa rin niya ang Kapuso actor nang sorpresang magkaroon siya ng Limitles Live! concert noong March 2022.

Ang Limitless Live! ay nagsisilbing prelude sa Limitless Part 3: Rise. Sa two nights ng Limitless Part 3: Rise online sa April 9 & 10, kasama pa rin ba si Rayver sa line-up ng guests niya?

Ayon kay Julie Anne, "Actually, yung ibang artists na ipi-feature namin, parang hindi ko pa po yata puwedeng sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But yes, si Ray po is part ng Limitless: Rise kasi part din po siya ng Limitless Live!, so yun…

"Okay naman po, masaya, and of course, grateful that he was able to make it sa Limitless Live!, and it was a fun moment for everyone."

HOT STORIES

GRATEFUL TO JULIEVER FANS SINCE DAY 1

Maganda ang nagiging pagtanggap ng fans sa kanilang dalawa ni Rayver. Marami ang kinikilig at positibo rin ang karamihan ng mga komento ng netizens sa kanilang dalawa.

"Siyempre po, nakaka-overwhelm din po yung suporta nila sa amin both individually and together," saad ng singer-actress.

"Nag-start nga po ‘yan, Studio 7 pa lang, parang may mga supporters na rin.

"Hanggang sa mag-team po kami ni Rayver sa The Clash, nagsunud-sunod na rin po ang mga performance namin sa AOS at dito nga po sa Limitless and with other stuff din.

"Nakakatuwa po talaga ang support nila at nakaka-overwelmed. From day 1 pa lang, feel na namin ang love, support, and acceptance din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Studio 7 ay ang musical0variety show ng GMA-7 na umere mula 2018-2019. Ongoing pa rin ang AOS o All Out Sundays, ang Sunday musical-variety show ng Kapuso Network.

RECOGNIZED BY NEW YORK FESTIVALS TV AND FILM AWARDS

Sa isang banda, napansin ng 2022 New York Festivals TV and Film Awards ang lahat ng effort na ginawa nila para mabuo ang Limitless, A Musical Trilogy.

Ilang araw bago ang ikatlo at huling leg ng concert, dumating ang balitang isa sa finalists para sa 'Entertainment Special: Variety Special' category ang 3-part digital concert ni Julie Anne.

"Actually, noong narinig po namin ang news, nasa Master Class po kami ni Sir Oli [Amoroso]. Siyempre, nagulat din po kami, but at the same time, we were really overwhelmed," saad niya.

Sabi pa ni Julie Anne, "Kasi, hindi rin naman po biro ang mapabilang sa shortlist sa New York Festival. At saka, parang surreal lang nang sobra, pero naging worth it lahat ng pagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Of course, hindi rin naman po magiging possible ‘to if not with the Synergy at buong team ng Limitless.

"Nakakatuwa lang din po kasi siyempre, family ko na rin po itong Limitless team kaya nakakataba ng puso, worth it po talaga lahat."

Nag-iwan ng trademark ang dalawang naunang part ng Limitless. Sa Mindanao, ang mga kabundukan. Sa Visayas naman, ang sandbar ng white beach kunsaan tumugtog si Julie Anne ng piano at kumanta.

Ngayong Part 3 ng Limitless sa Luzon, naitanong kay Julie Anne kung ano naman ang magiging highlight at dapat abangan.

"I think, one of the highlights din po ng Limitless: Rise is yung live. Kasi, it’s been been a while din po since the last time na nagkaroon ng show, with audience, set-up and all."

Inamin ni Julie Anne na katulad ng sinabi ni Paolo Valenciano, musical director ng concert, nagkakaroon din ng online fatigue. Kaya nang magkaroon sila ng pagkakataong mag-show nang live, talagang ginawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sarap din po sa feeling. Kasi, may mga friends din ako na hindi ko nakikita for a long time, mga supporters ko rin and, definitely, na-miss din nila. Kaya nakaka-happy, nakakataba po ng puso."

Pagkatapos ng Limitless, A Musical Trilogy, ano ang susunod na pasabog na ganap ni Julie Anne?

"What’s next for me? Oh, sana another concert. Sa bigger venue!" natawang sabi niya.

"Sana, sana."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on Rayver Cruz: "Yes, we’re very okay po. Uso rin po kasi sa amin yung nagdya-jamming kami palagi, naggi-guitar kami. Tapos, nagpa-practice kami para sa iba namin."
PHOTO/S: CTTO via @justbella01 Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results