Watch Now

Rita Avila addresses bashers calling all Kapampink celebrities "laos"

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2022
Rita Avila lectures netizens about "laos" tag
Rita Avila: “Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves."
PHOTO/S: Courtesy: @msritaavila on Instagram

Hindi pinalampas ng beteranang aktres na si Rita Avila ang pagtawag ng "LAOS" sa kanya at iba pang artista at singers na Kakampink.

Kakampink ang bansag sa mga sumusuporta kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Hindi man direktang tinukoy ni Rita kung kaninong supporters ang mga nanghahamak sa kanilang mga Kakampink na celebrities, hindi kaila na mainit ang balitaktakan at bangayan sa social media ng mga tagasuporta ni Robredo at ng presidential aspirant ding si dating Senator Ferdinand Marcos Sr.

Mayroon ding ilang tagasuporta ng iba pang candidates na nangba-bash din ng mga artistang Kakampinks.

Ayon sa post ni Rita sa Instagram nitong Biyernes, April 8, 2022, mas laos ang mga dumarayo pa sa social media accounts ng mga celebrities upang maintas lamang.

Patama ng aktres: “Lahat na lang ng kakampink na artista o singer ay sinabihan ng LAOS.

“Mas laos ang mga nagfafollow sa min o nagpupunta sa socmed account namin para mamintas lang. Kaya namin yan. Kasama sa trabaho namin yan eh.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Rita, karapatan nilang mga artista, bilang Pilipino, na manindigan sa kanilang paniniwala at pinaniniwalaang kandidato.

Hindi raw ito paninindigan ng isang artista lamang kundi bilang tao.

“Besides, sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan.

“Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo.

“P.S. Kayo na ang SIKAT, ako ay simpleng tao lamang.”

View this post on Instagram

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

“IT IS NOT ALWAYS HOW WE MEASURE OURSELVES”

Sa isang hiwalay na post, sinabi ni Rita na hindi lahat ng artista ay sinusukat ang sarili batay sa kanilang kasikatan.

Hindi raw lahat sa kanila kasikatan lamang ang hanap.

Saad ni Rita, “Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves.

“Sorry pero hindi lahat ay hanap ang maging SIKAT. Kahinaan ng isang tao ang gusto laging maging MALAKI sa mata ng mga tao.

“FAME? Masarap na mahirap yan. May sakripisyong kasama yan. Pwedeng mawala ang tunay na pagkatao mo. Nakakalunod. Minsan, di naman ganun kasaya.

“Pero kung marunong kang umahon at i-salba ang true persona mo, panalo ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng aktres, ang kasikatan ay lilipas din.

Ang totoo raw na kasiyahan at kaligayahan ay mayroon kang kapayapaan ng kalooban.

“INSTANT GRATIFICATION? Ung dami ng fans? Lakas ng tili? Dami ng followers at likes sa socmed?

“Isama na natin ang INSTANT PERA na bayad para umattend kayo ng rallies o para iboto ang isang politiko? Parang ang SAYA ano?

“LUMILIPAS lahat yan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay manggagaling sa kapayapaan ng kalooban dahil nakatuntong ka sa lupa, nagmamahal at minamahal, tumanda na napagbuti ang sarili sa mga pinagdaanan.”

Mensahe pa niya: “Magnilay mga kapatid at anak kong Pilipino. Sa eleksyong ito, hawak mo ang sarili mo. Ikaw ang maghuhubog kung ano ka na pagkatapos ng mga naging pagsubok sa iyo.

#election2022 #fame #sikat #instantgratification #persona #actors #singers #performers

View this post on Instagram

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila: “Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves."
PHOTO/S: Courtesy: @msritaavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results