Watch Now

Awra Briguela says sorry to mentor Coco Martin for taking a different career path

by Bernie V. Franco
Apr 8, 2022
awra briguela
Awra Briguela on mentor Coco Martin: “Gusto niya kasi talaga maging aktor talaga ako, yung as in Roderick Paulate na aktor."
PHOTO/S: @awrabriguela on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

May isang bagay raw na gustong ihingi ng tawad ni Awra Briguela, 18, sa kanyang mentor na si Coco Martin, 40.

Hindi raw kasi natupad ni Awra ang hangad para sa kanya ng FPJ’s Ang Probinsyano star.

Si Awra ay dating child star na nabigyan ng break sa showbiz nang mapabilang sa long-running Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano.

Naging bahagi si Awra ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco mula 2016 hanggang 2019.

Pagbubunyag ni Awra, si Coco mismo ang nagpasok sa kanya sa Ang Probinsyano matapos mag-viral noon ang video ni Awra.

Tinutukan daw siya ni Coco at ginawang protégé ng action-dramatic star.

“Hindi lang siya naging kuya sa akin or co-artist. Naging mentor ko talaga siya,” kuwento ni Awra sa YouTube video ng komedyanteng si Petite noong April 6, 2022.

“Lahat ng eksena ko, nasa likod siya ng camera, nasa tabi siya ng camera.

“Si Kuya Coco lang yung isang tao lang na nag-handle sa akin talaga sa acting career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi never akong nag-acting workshop. Never akong nagpaturo sa iba um-acting. Siya lang talaga nagturo sa akin.”

WHY AWRA WANTS TO SAY SORRY TO COCO

Ayon kay Awra, tinutukan siya ni Coco at plinanong gawing versatile actor. Pero iba ang landas na gustong tahakin ni Awra.

Kaya gusto niyang mag-sorry kay Coco dahil hindi nito sinunod ang gusto niya.

“Sorry, kasi may mga bagay siguro ako na nagagawa na hindi niya minsan nagugustuhan,” simula ni Awra.

“Gusto niya kasi talaga maging aktor talaga ako, yung as in Roderick Paulate na aktor.

“Yung kayang maglalaki, magbakla ganon. Versatile actor ang gusto niya sa akin.

“Pero hindi yun yung gusto ng puso ko.

“Gusto kong maging performer na artist, na kaya kong um-acting, kaya kong mag-perform.

“So, yun yung isang bagay na gustong ihingi ng sorry kay Kuya.

"Kasi ang gusto niya sa akin, maging versatile actor lang ako, and gusto kong maging performer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pag-arte, si Awra ay nag-train para maging mahusay sa pagsasayaw.

Sa kabila nito, lubos daw ang pasasalamat niya kay Coco dahil sa pagbibigay sa kanya nito ng showbiz break at pagme-mentor.

Kuwento ni Awra, “Nung na-meet ko siya, unang meet ko sa kanya, nakitaan niya agad ako ng potensiyal, kasi kinabukasan taping ko na agad.

“So, yung pagiging professional ko sa trabaho, yung di ako nali-late, yung sobrang strict ko sa work, lahat yun dahil kay Kuya Coco.

“Thankful ako sa kanya…”

Sa kabilang banda, binanggit din ni Awra na talent manager na niya ngayon si Vice Ganda, na itinuturing niyang “nanay” sa showbiz.

“Siya na ang nagma-manage sa akin. Pumirma ako sa kanya nung February,” aniya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela on mentor Coco Martin: “Gusto niya kasi talaga maging aktor talaga ako, yung as in Roderick Paulate na aktor."
PHOTO/S: @awrabriguela on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results