Watch Now

Herlene Budol on her Bb. Pilipinas application: “Masaya na may halong kabado.”

by Bernie V. Franco
Apr 9, 2022
Herlene Budol
Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl, opens up about her mixed emotions following her submission of application to be a contestant of Binibining Pilipinas 2022 pageant.
PHOTO/S: Facebook (Herlene Hipon Budol)

Mas lalong na-excite ang supporters ni Herlene “Hipon” Budol nang sumipot siya sa last day ng application para sa Binibining Pilipinas 2022 pageant nitong Biyernes, April 8, 2022.

Kasamang dumating ni Herlene ang kanyang manager at kanyang pageant trainer sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. head office sa Cubao.

Intensiyon kasi ng Kapuso talent na tuparin ang pangarap na makapasok sa national pageant.

Lumabas din ang mga larawan kung saan nakahalubilo ni Herlene ang iba pang aspiring beauty queens.

Herlene Budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herlene with fellow aspiring Binibining Pilipinas contestant Karen Laurrie Mendoza

Hindi naman nagpahuli si Herlene sa kanyang ayos at outfit.

Herlene Budol

Herlene's look at the last day of application for Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Kumpirmasyon niya sa mga nagdududa (published as is): “Opo, totoo po mag jojoin po ako ng Binibining Pilipinas sa kasalakuyan nag fill up ako ngayon ng Official Application form ng Binibining Pilipinas!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipagpray nyo ako pumasa sa screening mga Hiponatics ko ah!” post si Hipon sa kanyang social media accounts nitong Biyernes.

herlene budol

Inamin din ng dating Wowowin host na bagamat one step closer na siya sa kanyang dream matapos ang application, ninenerbiyos pa rin siya.

“Masaya na may halong kabado ang Hipon Girl nyo today,” post niya kahapon sa kanyang registration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi siya ng dasal sa mga KaSquammy—tawag sa kanyang supporters—sa kanyang panibagong journey.

Post niya (published as is): “Wish me luck mga KaSquammy! ipag pray nyo po sana ang aking journey. And Lord, i lift up everything to you.”

herlene budol

Nagbahagi pa si Herlene ng words of wisdom pagdating sa pagtupad sa mga pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Gawing mong possible ang impossible. Kumilos kung gusto mong mangyari.

“Ganun lang ka simple ang mindset ni Hipon girl.”

herlene budol

Habang hinihintay ang resulta ng screening, nabanggit ni Herlene na patuloy ang kanyang training.

Parte rin daw ito ng kanyang hangad na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili pagdating sa pagharap sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat baguhan sa national pageant, may karanasan din si Herlene sa beauty pageants.

Sumali siya noon sa Binibining Angono ng Sining 2017 at siya ang nanalo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl, opens up about her mixed emotions following her submission of application to be a contestant of Binibining Pilipinas 2022 pageant.
PHOTO/S: Facebook (Herlene Hipon Budol)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results