Watch Now

Against all odds: Vlogger from Poland, na-in love at pinakasalan ang dalagang Badjao

by KC Cordero
Apr 12, 2022
Damian Drazek and Aico Ayrana
"Where are you going? What do you do here?" Sa tanong na ito mula sa dalagang Badjao na si Aico Ayrana, natuklasan ng Polish vlogger na si Damian Drazek na dinala siya ng tadhana sa Pilipinas para makilala ang babaing kanyang mamahalin habambuhay.

Isang dating chef sa London, United Kingdom ang Polish vlogger na si Damian Drazek.

Noong 2010 ay nagretiro siya para tuparin ang matagal nang planong mag-travel around the world.

Isa sa kanyang mga naging destinasyon ang Pilipinas.

Damian Drazek vlogging

Sa April 11, 2022 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung saan naging tampok ang story ni Damian, aminado siyang nabighani siya sa ganda ng ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalibot niya ang Cebu, Apo Island sa Negros Oriental, at Pamilacan Island sa Bohol.

Pagbabahagi niya, “I fell in love from the very beginning when I came to the Philippines. I felt like I landed on another planet.”

Minsang nasa Panglao Island sa Bohol, niyaya siya ng mga kaibigan na pasyalan ang Badjao Village.

Ayon kay Damian, hindi kagandahan ang lugar at larawan iyon ng kahirapan. Isa iyong komunidad ng mga Badjao na karamihan ay kumikita sa panghihingi ng limos.

Ngunit para sa kanya, naka-relate siya sa kalagayan ng mga Badjao roon dahil naranasan din niyang maging homeless.

Aniya, “I felt like I could connect with people in that village.”

NABIGHANI SA DALAGANG BADJAO

Habang nag-iikot sa lugar at inire-record sa kanyang camera ang paligid, isang dalagang Badjao na nakilalang si Aico Ayrana ang nag-usisa kay Damian.

Tanong sa kanya ni Aico, "Where are you going? What do you do here?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aico Ayrana at the Badjao community

Na-smitten umano ang Polish vlogger sa mapanghalinang kagandahan ng dalagang Badjao.

Paglalarawan ni Damian sa eksena nila ni Aico, “When I saw her face for the first time, I just felt like I wanted to stay there and have a conversation with her.

“I really felt some kind of connection.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The feeling was mutual naman pala para kay Aico. “Nabigla po rin ako. Handsome po siya. Para po akong na-love at first sight.”

Nagkakaintindihan sila sa pag-uusap dahil noong nag-aaral pa si Aico ay favorite subject niya ang English. Napilitan lang siyang huminto pagkatapos ng Grade 10 dahil sa hirap ng kanilang buhay.

PAG-IIBIGANG AGAINST ALL ODDS

Naging panay na ang dalaw ni Damian kay Aico mula noon.

Kalaunan, naging sila na.

Aminado sina Damian at Aico na hindi smooth-sailing ang kanilang relasyon at mayroon ding naging hadlang.

Damian Drazek and Aico Ayrana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Polish vlogger, dahil mas bata sa kanya si Aico, may nagsabi sa kanya na, “You are a pedophile."

Dagdag niya, “Some of my friends are saying, ‘Don’t do it. Are you crazy?’”

Sa panig naman ni Aico, “Nahihiya ako sa sarili ko dahil iisipin ng mga tao, gold digger ako.”

Pero paglilinaw ng dalaga, “Money can’t buy love.”

Dumating din sa puntong nasasaktan ang dalaga dahil kahit boyfriend niya si Damian, hindi na ito lumalapit sa kanya.

Sabi niya sa sarili, “Parang malabo na yun [relasyon]...”

DAMIAN, AYAW MAGKAROON NG REGRETS

Ngunit after two weeks, isang bold decision ang ginawa ni Damian.

Kuwento niya, “I decided that I’ll take the risk because I don’t want to be in a situation that at the end of my life, I will regret.”

Napaluha naman sa tuwa si Aico dahil sa naging gesture ni Damian. “Nakikita mo na talaga siya, nagbalik na siya para sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At nagdesisyon na silang magpakasal.

Sinunod ni Damian ang Badjao tradition na pagbibigay ng “ungsod” o dowry nang hingin niya ang kamay ni Aico sa mga magulang nito.

Kinabahan naman si Aico nang sa mismong araw ng kasal nila, dalawang oras na ang nakalilipas ay wala pa si Damian.

Sa isip-isip niya, “Ano ba ito, darating ba siya o hindi?”

Ayon naman kay Damian, hindi niya inakala na late na siya sa kasal.

“But surely I will come.”

Damian Drazek and Aico Ayrana after their wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya makalipas ang ilang tense moments, natuloy ang kasal.

“It was really magical, and I almost cried...” emotional na sambit ni Damian. “It felt amazing for me. One of the best experiences in my life.”

Sambit naman ni Aico, “Mahal na mahal po. Age doesn’t matter, and age is just a number.”

Sa ngayon ay plano ni Damian na ipagpatayo ng bahay ang kanyang misis. Isasama rin niya si Aico sa kanilang bansa para makilala ang kanyang parents, at magpakasal muli doon.

Iisa lang ang kanyang hiling sa maybahay.

“I hope that your pure heart will stay pure always. Reach your goals and your dreams, and you will use the power that you will have to influence your tribe and your family.”

Nagpasalamat naman si Aico sa mister na sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay tinanggap siya nito at piniling makasama habambuhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Where are you going? What do you do here?" Sa tanong na ito mula sa dalagang Badjao na si Aico Ayrana, natuklasan ng Polish vlogger na si Damian Drazek na dinala siya ng tadhana sa Pilipinas para makilala ang babaing kanyang mamahalin habambuhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results