Watch Now

PBB host Robi Domingo on trending "MaJoHa" answer of teen housemates: "Di na nakakatuwa."

by Bernie V. Franco
Apr 12, 2022
Robi Domingo
PBB host Robi Domingo takes to Twitter to express his disappointment after two PBB Kumunity Season 10 teen housemates failed to answer a history question correctly. Robi served as the quiz master of the PBB history quiz challenge.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Maging si Robi Domingo, 32, ay hindi natuwa sa naging sagot ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates sa ginanap na history quiz bilang challenge sa reality show ng Kapamilya Channel.

Trending ang GomBurZa, MaJoHa, SLEX dahil sa mga maling sagot ng housemates na sina Kai Espinido, 18, at Gab Skribikin, 19.

Maging si Robi, isa mga host ng PBB at nagsilbing “history teacher” sa quiz challenge ng mga housemate, ay trending din.

Tinanong ni Robi ang nakasalang na housemates na sina Kai at Gab kung ano ang acronym ng tatlong Pilipinong paring martir noong panahon ng Kastila na sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora.

Kilala sila sa tawag na "GomBurZa," na itinuturo sa mga Pilipinong mag-aaral mula pa sa elementarya.

Pero ang isinagot ni Kai ay "MarJo," habang si Gab ay "MaJoHa."

Sa pag-pan ng camera sa ibang housemates na hindi sumalang sa round na iyon, makikitang nabigkas ng housemate na si Maxine Trinidad ang tamang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, naging malaking usapin sa social media ang paksang ito.

Makikita si Robi na natawa sa sagot ng housemates at idinaan pa sa biro ang maling sagot ng housemates.

Pero sa kanyang tweet ngayong Martes, April 12, 2022, pinanigan ni Robi ang pagpuna ng netizens sa housemates na mali ang isinagot sa history questions.

Ni-repost ni Robi ang tweet ng isang netizen na pinuna ang pagkakamali nina Kai at Gab.

“150 years after the martyrdom of the GOMBURZA, they have been renamed as MAJOHA,” bahagi ng tweet ng netizen.

Tweet ni Robi: “Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa.

“Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon.”

Naghamon pa si Robi sa mga content creator na labanan ang maling impormasyon.

“Sa lahat ng content creators, let's battle #MaJoHa,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-retweet din ni Robi ang post ng Knowledge Channel na nagbahagi ng life story ng GomBurZa sa past episode ng ABS-CBN educational program na Bayani.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB host Robi Domingo takes to Twitter to express his disappointment after two PBB Kumunity Season 10 teen housemates failed to answer a history question correctly. Robi served as the quiz master of the PBB history quiz challenge.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results