Watch Now

Ex-matinee idol mahilig sa "happy ending"

by KC Cordero
Apr 16, 2022
Blind item art card
Kilala ba ninyo ang ex-matinee idol na ito na kapag nasa spa ay laging nagre-request ng extra service at happy ending?

Nawindang ang isang baguhang massage therapist sa isang legit na spa nang maging customer ang isang dating matinee idol.

Kay baguhang massage therapist natoka si ex-matinee idol. Nang pupunta na siya sa cubicle kung saan ito imamasahe, binulungan siya ng isang kasamahan na matagal nang therapist doon.

Sabi nito sa kanya, “Mahilig sa happy ending iyang customer mo. Naging customer na rin iyan ng friend ko sa kanilang spa.”

Dahil may pagka-naive pa si massage therapist, lost in translation siya sa sinabi ng kasamahan.

Pagpasok niya sa cubicle, namukhaan niya si ex-matinee idol, at noong bagets pa siya at kasikatan naman nito ay ilang movies nito ang napanood niya.

Kaya ang akala niya, ang mga pelikula nito ang laging may happy ending.

Nang hinihilot na niya ang ex-matinee idol, makalipas ang ilang sandali ay nagtanong ito sa massage therapist.

“Puwede ka ba sa extra?”

Again, lost in translation si massage therapist sa tanong ni ex-matinee idol. Ang akala niya, kinukuha siya nitong extra sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, “Ay, sorry po. Hindi po ako marunong umarte. Shy po ako sa harap ng camera.”

Hirit ng ex-matinee idol, “Hindi yun. Ang ibig kong sabihin, bigyan mo ako ng happy ending pagkatapos mo akong i-massage.”

Kinuha pa niya ang isang kamay ng massage therapist at idinikit sa kanyang “alam na this” at kahit hindi Easter Sunday ay pilit ipinapahanap ang kanyang "bleep-bleep."

Shookt naman ang massage therapist, at all of a sudden ay na-gets na kung ano ang ibig sabihin ng happy ending.

Sa sobrang pagkabigla ng massage therapist ay kinuha niya ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng cubicle. Sinabi rin niya sa kanilang manager ang gustong mangyari ng ex-matinee idol.

Kinausap ng manager ang ex-matinee idol at sinabing bawal talaga doon ang extra at happy ending.

Dahil na-bad trip, hindi na tinapos ng ex-matinee idol ang pagpapahilot, at hahanap na lang daw ng ibang spa.

Nakasimangot din ito nang papaalis na at panay ang sambit ng: “Ang aarte naman ng mga tao dito!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilala ba ninyo ang ex-matinee idol na ito na kapag nasa spa ay laging nagre-request ng extra service at happy ending?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results