Watch Now

Queen of Visayan Movies Gloria Sevilla passes away at 90

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2022
Gloria Sevilla passes away at 90
Veteran actress Gloria Sevilla dies peacefully in her sleep in Oakland, California on April 16, 2022.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pumanaw na kahapon, April 16, 2022, ang tinaguriang Queen of Visayan Movies na si Gloria Sevilla.

Siya ay binawian ng buhay habang natutulog sa kanyang tahanan sa Oakland, California sa edad na 90.

Si Gloria ay nakilala noong kanyang kabataan sa mga Visayan films.

Isa na rito ay ang Badlis sa Kinabuhi kung saan nanalo siyang best actress sa FAMAS o Filipino Academy of Movie Arts and Sciences taong 1969.

Noong 2019, bumalik sa limelight si Gloria sa Ang Pagbabalik, ang pinagbidahan niyang entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Ito rin ang naging senyales ng pagbabalik niya sa pag-arte sa salitang Cebuano.

Sabi pa ni Gloria noong September 2019 sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Basta maligaya ako na napasali ang aming pelikula na isang Visayan movie.

“Iyan ang dream ko talaga na mabigyan ng importansiya ang Visayan movies because Visayan movies is a part of Philippine movies.

“Gusto ko may Davao, may Cebu, may Samar, and, of course, Luzon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi sa mga Bisaya, maraming mga artistang magagaling, of course, buong Pilipinas magagaling ang mga artista natin, may talent sila, hindi tayo nagpapahuli sa mga artista sa ibang bansa.”

Ginawaran din siya ng Lifetime Achievement Award noon ding 2019 sa Gawad Urian Awards.

Ilan sa mga award-winning films na kinabibilangan niya ay ang M: Mother's Maiden Love (2014-2015) at Maestra (2018).

May anim na anak si Gloria at ang asawang si Mat Ranillo Jr., ang King of Visayan Movies na binawian ng buhay noong 1969 dahil sa plane crash.

Sila ay sina Lilybeth, Mat III, Suzette, Jojo, Dandin, and Juni.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Gloria Sevilla, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Gloria Sevilla dies peacefully in her sleep in Oakland, California on April 16, 2022.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results