Watch Now

Andrea Brillantes explains reason for refusing to have selfie with delivery guy

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2022
Andrea Brillantes reacts to viral TikTok video
Andrea Brillantes explains on TikTok why she looked irritated upon receiving a delivery token in a short video uploaded by a clothing company.
PHOTO/S: Courtesy: @blythe on Instagram

Nagpaliwanag si Andrea Brillantes tungkol sa isang viral video sa TikTok na in-upload ng isang clothing line.

Mapapanood sa maiksing video ang pagtanggap ni Andrea ng delivery galing sa kumpanya, pero tila galit dito ang Kapamilya young actress.

@freemanclothing thank u so much ms @blythe for recieving tom and jerry ???? #freemanclo #blythe #fyp? ? original sound - ???

Ito rin ang napansin ng ilang netizens na nakapanood ng video.

Andrea Brillantes reacts about her viral TikTok Video

Nakarating kay Andrea ang mga puna sa kanya ng netizens kaya nagpaliwanag siya kung bakit parang nakasimangot siya sa video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamahan niya ito ng komento ng isang netizen na nagsabing, “AHAHAHAHAHA parang masama loob.”

Ayon kay Andrea, nakulitan siya sa nag-deliver ng damit dahil pinipilit daw siyang mag-selfie sila nito nang walang suot na face mask.

Hindi raw siya pumayag.

Saad niya, “Hi guys, minsan na lang talaga ako magsalita sa TikTok, pero here I am once again.

“To be honest, yes. Actually, medyo bad trip ako niyan.

"Una, ang kulit kasi ni Kuya na, 'Puwede po ba na walang mask, walang mask?'

"Sabi ko, 'Bawal po, bawal po talaga.'

“Nag-picture siya 'tapos umulit uli siya. 'Tapos sabi ko, 'Kuya, bawal po talaga kasi, duh, 'asa pandemic pa tayo at ang dami ko pa hong work na nakasalalay na hindi ako puwedeng mag-positive.'

“So, sabi ko kay Kuya na, ‘Kuya, bawal po talaga or else papasok na rin talaga ako,' since late naman na ako sa training ko, e."

Ayon kay Andrea, hindi tinantanan ng delivery guy na mag-selfie sila nang walang face mask. Ang ikinainis pa raw niya ay nagbanggit ito ng salitang “two joints” na hindi maganda ang dating sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa salitang kalye, naa-associate ang "two joints" sa paggamit ng bawal na gamot.

Napag-uusapan ito ngayon dahil naging hand gesture ito ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

Para kay Moreno, ito ay simpleng pagsasama lang ng kanilang puwersa ng ka-tandem na si Dr. Willie Ong.

Si Andrea naman ay kilalang tagasuporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Lahad pa ni Andrea, “'Tapos paulit-ulit akong tinatanong tungkol sa damit, 'tapos kinukulit ulit ako sa damit. Sabi ko, 'Hindi ko po puwede i-post 'yan kasi ho, H&M ako.'

“Tapos, ito na talaga, kaya mukha akong bad trip diyan kasi bad trip nga talaga ako.

"Si Kuya na kanina pa nangungulit sa mask biglang sabi na, 'Dali, picture tayo two joints, two joints.'

"Sabi ko, ‘Hindi, Leni ako.'

"Walk out ako, masama ba? Ha?"

@blythe Reply to @danieleyebol gow awayin nyo pa ko.pake ko? Leni padin. #fyp ? original sound - Andrea Brillantes

Nilinaw naman ng clothing line na nagpadala ng mga damit na hindi galit si Andrea sa video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinegundahan din nila ang naging pahayag ni Andrea.

Komento nila sa kanilang post, “hindi po sya galit, may mga tao po na nag ask if pede nya tanggalin mask and since we’re still on pandemic she said no and yes po she said thank u”

Andrea Brillantes reacts about her viral TikTok Video

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes explains on TikTok why she looked irritated upon receiving a delivery token in a short video uploaded by a clothing company.
PHOTO/S: Courtesy: @blythe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results