Watch Now

Joao Constancia reacts to ex-girlfriend Sue Ramirez's happy love life

by Melba R. Llanera
Apr 20, 2022
Joao Constancia, Sue Ramirez
He's Into Her Season 2 star Joao Constancia on ex-girlfriend Sue Ramirez: "I got to see her last time sa Star Magic. Kumustahan lang kami. There's no bad blood or anything, we're happy."
PHOTO/S: @imjoaoconz / @sueannadoodles Instagram

Masaya ang He's Into Her actor na si Joao Constancia sa masayang love life at magandang itinatakbo ng career ng ex-girlfriend na si Sue Ramirez.

Nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon nung 2019.

Read: Sue Ramirez speaks up about breakup with Joao Constancia

Ang current boyfriend ng Kapamilya actress ay si Javi Benitez, Star magic talent at anak ng businessman at owner ng Brightlight Productions na si Albee Benitez.

Sabi ni Joao, "She's happy and I'm happy to see that. I know the guy, I think, personally we've met, probably acquintance lang.

"I'm just happy that she's happy and that's all matters."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joao sa red-carpet celebrity screening ng He's Into Her Season 2, na ginanap sa Cinema 4 ng Trinoma Mall sa Quezon City noong April 9, 2022.

Hindi naman itinago ni Joao na mananatiling espesyal para sa kanya ang ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Of course, we've been together for quite some time rin.

"Kahit sino naman, if you're in a relationship with that person, even you guys didn't end up together... pero there's still a special place for them."

Siniguro rin ni Joao na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Sue, at nag-uusap sila sa tuwing nagkukrus ang kanilang landas.

"We're friends, we're civil. But we haven't talk to each other for quite some time.

"I got to see her last time sa Star Magic. Kumustahan lang kami. There's no bad blood or anything, we're happy."

Proud din si Joao sa magandang itinatakbo ng career ni Sue, na importanteng role ang ginagampanan sa seryeng A Broken Marriage Vow ng Kapamilya Channel.

Bukas ba siyang magkasama sila sa uli sa isang proyekto?

Sagot ni Sue, "Oo naman, ang dami niyang career, ang dami niyang shows, nakakatuwa. So happy for her.

"Yes, given the opportunity, why not? I'd love too."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOAO DATING A MODEL

Nang tanungin naman ng PEP.ph tungkol sa kanyang love life, inamin ng He's Into Her actor na may idine-date siya ngayong isang modelo.

"I'm very happy right now. I'm dating someone, dating pa lang, of course, we take our time."

Hindi binanggit ni Joao ang pangalan ng idine-date niyang non-showbiz girl na isa raw modelo.

Aniya, "She's non-showbiz. She's a model, singer, and everything like that."

Hindi raw sadya iyon.

"Preference? I guess it just happened, you don't get to choose talaga, e."

JOAO ON HE'S INTO HER

Mainit ang pagtanggap ng publiko sa He's Into Her kung kaya't inaabangan na ang Season 2 nito simula ngayong April 22 sa iWant TFC.

Sa April 24 naman ito eere sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live

Nabuo ang tambalang Joao at Criza Taa, ang CrizJo, sa He's Into Her.

Labis ang pasasalamat ng aktor dahil sa red-carpet celebrity screening ng He's Into Her Season 2 ay naging mainit ang pagtanggap ng fans sa buong cast ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang saya namin, of course, dahil sinusuportahan nila kami. Big thank you to them.

"CrisJo fans, love you guys! Ayun, natutuwa kami dahil kinikilig sila sa amin and gusto nila yung partnership namin

"Sobra, when we entered pa lang, everyone is screaming na and nakaka-miss yun.

"Before the pandemic, that's what we do kaya ngayon after two years, ang sarap sa feeling na nandito na kami uli and nandun ang mga fans na magkasama kami."

Sa magandang itinatakbo ng kanyang career ngayon, para kay Joao ay katuparan ito ng kanyang matagal nang pangarap na makagawa ng tatak sa industriya.

"It's just a biggest blessing in my life talaga. I've been waiting for this for the longest time and it's finally happening.

"Ito talaga ang gusto ko. I am chasing it talaga, I am hungry for this. All I can say is thanks to God, that's all I can say."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
He's Into Her Season 2 star Joao Constancia on ex-girlfriend Sue Ramirez: "I got to see her last time sa Star Magic. Kumustahan lang kami. There's no bad blood or anything, we're happy."
PHOTO/S: @imjoaoconz / @sueannadoodles Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results