Watch Now

Aubrey Miles on pre-courtship days with Troy Montero: "Akala ko di niya ako gusto."

by Rachelle Siazon
Apr 21, 2022
Troy Montero, Aubrey Miles
Troy Montero recalls requesting to be paired with Aubrey Miles when he got invited to be a celebrity guest on her noontime show: "Sige, I can do the opening number, but match me with Aubrey." Seen on the right is a snapshot from when they did that production number for a noontime show. On the left photo, the couple poses for the cam during a post-engagement trip to Baguio.
PHOTO/S: @troymontero Instagram

Bago pa sila nagkakilala ay umamin si Troy Montero, 50, sa national television na "crush" niya si Aubrey Miles, 40.

Read: Why it took 18 years for Aubrey Miles, Troy Montero to want to tie the knot

Na-hotseat noon si Troy nang paaminin siya ng TV host na si Kris Aquino kung sino ang kanyang celebrity crush.

Live na umere ang guest appearance ni Troy sa talk show ni Kris, at napanood iyon ni Aubrey na tiyempong mine-makeup-an noon sa dressing room ng ABS-CBN.

Co-host si Aubrey sa kasunod na noontime show, na live telecast din.

Ikinuwento ito ng engaged couple sa PEP Spotlight, ang taped online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Balik-tanaw ni Troy, "I said, 'No one.' Kris is poking, 'Come on, come on...' 'Well, there's this one...'

"I was trying not to say it sa live kasi we don't know each other."

Pero totoong attracted na raw si Troy kay Aubrey na una niyang nakita nang personal sa FHM 100 Sexiest Women live fashion show ng Summit Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya raw nang pigain siya ni Kris, nasabi niya ang pangalan ni Aubrey.

Patuloy na kuwento ni Aubrey, "Nung tapos na yung talk show, nagpunta siya sa dressing room. Kumatok siya. Nagpapa-picture siya.

"Yung assistant niya [sinabihan niya], 'Tanungin mo si Aubrey Miles if I can take a photo with her."

Ayon kay Troy, unang senyales iyon na may gusto talaga siya kay Aubrey dahil mismong assistant niya ay nagulat sa knyang ikinilos.

"'Cause I don't take pictures with anyone. It was actually, like, her camera, a real camera and not a cellphone camera.

"I still have it. Pati yung mga dates namin and everything," nakangiting pag-amin ni Troy.

Aubrey Miles, Troy Montero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TROY REQUESTS TO BE PAIRED WITH AUBREY

Pagkatapos ng first meeting nila, inimbitahan si Troy na mag-guest sa defunct Kapamilya noontime show na MTB kunsaan isa sa co-hosts si Aubrey.

Ang special request ni Troy sa production staff: "So I said, 'Sige, I can do the opening but match me with Aubrey.'"

Ibang MTB host dapat ang kapareha ni Troy, pero sabi ng production staff, "Sige, we can do that."

Lingid sa kaalaman ni Aubrey ang request ni Troy.

Kuwento ni Aubrey, "Sa rehearsal, sabi ko, 'Sino yung match ko?' Si Piolo ata yun. Pinagpapalit sila.

"Sabi ko, 'Akala ko si Piolo partner ko...' Ta's pagkita ko [kay Troy], 'Ah, puwede na rin.' Siyempre, guwapo naman niya, aarte pa ba ako?

"Sabi nila, wala pa si Piolo, so inaantay ko. Pero sa isip ko, 'Puwede rin ito si Troy. Puwede naman...'

"Kinikilig-kilig pa ako. Yeah, okay naman, magaling naman sumayaw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Singit ni Troy sa talento niya sa pagsayaw, "For sure."

Nagpakitang-gilas daw talaga siya kay Aubrey noon.

Sabi ni Troy sa PEP.ph: "Yeah, I tried to kinda show her that I'll lead and everything, so I memorized the steps."

Komento ni Aubrey, "Very gentle siya."

Waring may kilig na balik-tanaw pa ni Troy, "The dance was like swing or something. It was a nice way to meet actually."

Dito raw nadiskubre ni Aubrey na hindi malandi si Troy.

"Hindi siya nagpi-flirt, ah. Kasi may mga guys na magpi-flirt sila sa tingin or sa hawak.

"Siya hindi. Akala mo lang kaibigan lang. Akala ko nga hindi niya ako gusto.

"Talagang straight lang. Parang professional talaga," lahad ni Aubrey.

Kaya nagdalawang-isip pa raw siya kung totoo ang sinabi ni Troy sa TV na crush siya nito.

"Ako naman, parang, 'Okay. Ako lang ba yung nagpapa-cute?'

"Ganun siya. Sobrang gentle lang. Hindi siya yung flirt na alam niyang kinikilig ako nung time na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aubrey Miles, Troy Montero

Read: Aubrey Miles defends nude photos with partner Troy Montero: "Well, because we can."

TROY FINALLY GETS AUBREY'S NUMBER

Ilang beses pa raw silang nagkasama sa iba pang shows.

Saad ni Troy, "After that, we had this series of run-ins. The first time we met, and then the next time we guested together for a show, then we did an MMK together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I was like, 'How's this?' They just keep putting us together. So it just happens."

Tingin ni Aubrey, nahalata ng production people na "kinikilig ako after ng dance" kaya naisip na puwede silang pagtambalin sa ilang TV guest appearances.

Dun na raw nagparamdam si Troy ng interes sa kanya.

"May guesting ulit siya. Parang may talk show ulit na nandun siya. Kinuha niya yung number ko," kinikilig na sabi ni Aubrey.

"Pero yung talagang tawag at text. Wala pang Whatsapp and Viber nun. Hindi free.

"Yun talaga yung may bayad. Imagine our bill when he calls me abroad. Oh my god! Our bill is so crazy! Isang oras [na tawagan]."

Madalas daw kasing nagbibiyahe si Troy sa ibang bansa para sa trabaho noon, kaya sabik silang mag-usap sa telepono.

Ang dami raw naipon ni Troy na "phone cards" gamit pantawag kay Aubrey.

"I also made sure I send her flowers while I was away. So the intention was there," tukoy pa ni Troy sa panliligaw niya kay Aubrey noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Aubrey, "Mga six or seven months before naging kami. Feeling ko maiksi pa yun that time. Pero ngayon, parang ang haba na pala nun."

Sina Aubrey at Troy ay 18 years nang magkarelasyon.

Plinano nilang magpakasal noon pa dapat April 2020, pero na-postpone iyon dahil sa pandemya.

Opisyal silang na-engage nang magbakasyon sila sa Boracay noong March 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Troy Montero recalls requesting to be paired with Aubrey Miles when he got invited to be a celebrity guest on her noontime show: "Sige, I can do the opening number, but match me with Aubrey." Seen on the right is a snapshot from when they did that production number for a noontime show. On the left photo, the couple poses for the cam during a post-engagement trip to Baguio.
PHOTO/S: @troymontero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results