Isang heartwarming at kakaibang episode tungkol sa isang di-karaniwang pagkakaibigan ang mapapanood sa drama anthology show ng ABS-CBN, ang Maalala Mo Kaya.
Pagkatapos i-ere ang mga episodes na pinagbidahan nina Gretchen Barretto at Charice Pempengco, si Benjie Paras at Smokey Manaloto naman ang magiging bida sa August 2 episode ng MMK.
Known for their wisecracks at kakaibang brand ng comedy, napagsama ng programa ang dalawang artista kahit na galing pa sila sa magkaibang network. Si Smokey ay mainstay ng ABS-CBN teleserye na Ligaw na Bulaklak samantalang si Benjie ay naging cast member ng GMA-7 shows tulad ng Kamandag, Lupin, at Boys Nxt Door.
Ang episode ay idinirehe ni Mae Cruz, na siya ring nagdirek ng Kapamilya teleserye na Maging Sino Ka Man.
Abangan ang episode nina Smokey at Benjie sa Sabado ng gabi pagkatapos ng Pinoy Dream Academy.
Maalala Mo Kaya (August 2, 2008)
Director: Mae Cruz
Writer: Shugo Praico
Cast:
Kong: Benjie Paras
Gerry: Smokey Manaloto
Edward: Ping Medina
Ping: Zeppi Borromeo
Junior: Thou Reyes
Ang host ng Maalala Mo Kaya ay si Ms. Charo
Santos-Concio.