Watch Now

Daryl Ong stays positive amid losing Facebook followers after declaring support for UniTeam

by Arniel C. Serato
Apr 21, 2022
Daryl Ong loses Facebook followers after declaring support for BBM-Sara
Daryl Ong reveals losing Facebook followers after performing at UniTeam Festival grand rally in Cebu last Monday, April 18.
PHOTO/S: Courtesy: Daryl Ong on Facebook

Nalagasan ng Facebook followers ang singer na si Daryl Ong.

Ito ay matapos niyang ipakita at ihayag ang suporta sa UniTeam nina presidential aspirant at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

Isa si Daryl sa nagtanghal sa Sinulog-inspired grand rally ng UniTeam sa Queen City of the South, ang Cebu, noong Lunes, April 18, 2022.

Daryl Ong loses Facebook followers after declaring support for UniTeam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginanap ito sa Citi De Mare, Filinvest Ground, SRP Coastal Road, Cebu City. Ayon sa kampo ng UniTeam, umabot umano sa 300,000 katao ang dumalo.

Sa Facebook kahapon, April 20, nagpasalamat pa rin si Daryl sa mga nag-unfollow sa kanyang page dahil naging bahagi rin ang mga ito sa kanyang journey mula noon.

Aniya, “Sa mga nag u-unfollow dahil sa pag post ko ng aking suporta sa Uniteam. Salamat parin po sa inyong lahat, naging part parin po kayo ng journey ko. No matter what, nirerespeto ko po kayo.”

Pinasalamatan din ni Daryl ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya kahit ang iba rito ay iba ang sinusuportahang kandidato.

Mensahe ng singer, “Sa mga nanatili namang sumusuporta sakin kahit magkaiba tayo ng pananaw sa pulitika, higit akong nagpapasalamat sa respeto at unconditional niyong pag tanggap at suporta sa akin.

“Sa mga katulad ko ng pinaniniwalaan at kapwa sumusuporta sa Uniteam, ako'y lubusang nagpapasalamat sa ating pagkakaisa. All the best sa ating lahat, sa ating bansa. God bless the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mag-perform sa rally noong Lunes, nag-post si Daryl ng kanyang saloobin tungkol sa suporta niya sa UniTeam.

Ito marahil ang naging dahilan kung bakit nag-unfollow ang iba niyang followers sa kanyang page.

Mababasa sa post ni Daryl: “Daghang Salamat Cebu!!

“At maraming salamat din sa UNITEAM sa oportunidad maibahagi ang aming talento at makapag pasaya ng daang-daang libo nating mga kababayan na nag laan ng panahon at pagod buong araw, upang magpakita ng suporta at pagmamahal kay BBM, Inday Sara at sa buong UNITEAM!, isang karangalan po ang masama sa napakalaking selebrasyon at halimbawa ng tunay na pagkakaisa. Mabuhay ang UNITEAM, Mabuhay ang Pilipinas!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, nauna nang sinabi ng singer na si Katrina Velarde na marami rin ang nag-unfollow sa kanya matapos ianunsiyong isa siya sa mga kakanta sa UniTeam event.

Read: Katrina Velarde reveals losing followers after promoting UniTeam rally in Cebu

Pero bumawi naman ang UniTeam supporters dahil daan-daang libo ang kaagad nag-follow sa Suklay Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula 700K followers, nasa halos isang milyon na ngayon ang followers ni Katrina sa kanyang page.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daryl Ong reveals losing Facebook followers after performing at UniTeam Festival grand rally in Cebu last Monday, April 18.
PHOTO/S: Courtesy: Daryl Ong on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results