Watch Now

Unang UP Ikot driver na si Tatay Neong, pumanaw na

by KC Cordero
Apr 21, 2022
Tatay Neong's 2018 image from the Mobility PH YouTube channel.
Pinasalamatan at kinilala ng mga estudyante at mga pasahero ng rutang UP Ikot ang napakagandang inisyatiba ni Irineo Odoy, o Tatay Neong, na magkaroon ng biyahe ng dyipni sa loob ng University of the Philippines main campus.

Pumanaw na si Irineo Odoy, mas kilala bilang Tatay Neong, sa edad na 99.

Si Tatay Neong ang nagpasimula ng biyaheng Ikot sa Diliman campus ng University of the Philippines (UP).

Ayon sa ulat ni Anna Regidor ng Diliman Information Office na nai-post noong April 19, 2022 sa UP website, binawian ng buhay si Tatay Neong noong April 12.

Napag-alaman mula sa apo ni Tatay Neong na si Gerardo Lopez na pneumonia ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Tatay Neong's screenshot image 2018 image from the Mobility PH YouTube channel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating bus driver si Tatay Neong bago lumipat sa UP Diliman noong 1949. Sinimulan niya ang rutang UP Ikot gamit ang malaking jeepney na tinawag niyang “Dagul.”

Sa 2018 video interview ni Gerardo sa kanyang lolo, sinabi ni Tatay Neong na nagkaroon siya ng idea na magkaroon ng paid shuttle service sa loob ng UP campus noong 1949.

Ito ay matapos niyang makita ang mga estudyanteng naglalakad nang malayo para makapunta sa iba’t ibang kolehiyo para um-attend ng klase.

Tinawag niya ang ruta na “Ikot.”

Ayon kay Tatay Neong, noong una ay pinagtatawanan siya ng kanyang mga kapwa jeepney drivers dahil sumisingil lang siya ng singko sentimos (five centavos) bilang pamasahe.

Gayunpaman, umaabot aniya ang kanyang kita ng hanggang PHP100, na malaking halaga noong mga panahong iyon.

Pagbabahagi niya sa video interview, “Hindi alam ng mga kasamahan ko na kumikita ako. Pinagtatawanan ako.

“Bandang huli noong nakita, noong magbilangan kami ng kita, e, naglakihan ang mga mata. Kumita ako ng PHP100, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagpatuloy ni Tatay Neong ang pagmamaneho sa UP Ikot hanggang noong 1958. Nang mga panahong iyon ay marami na ang mga jeepney drivers na gumaya sa kanya at bumiyahe sa nasabing ruta.

Ayon kay Gerardo, “We admired how he hatched the idea out of compassion for the students who’d walk long distances in between colleges just to attend class. So he wanted to give them an easier time to get to class.”

Pagbabahagi pa ni Gerardo, si Tatay Neong ay isang good provider, dedikado, at napakasipag na ama ng tahanan. Itinuro raw nito sa kanyang pamilya ang importansiya ng kagandahang asal.

Kuwento ni Gerardo, “We remember him to be very appreciative of even the smallest things, telling stories of his experiences with gusto to anyone who’d sit and listen.”

Netizens' commented about the passing of Tatay Neong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens' commented about the passing of Tatay Neong

Nagpahayag naman ng paghanga at pakikidalamhati ang mga naging pasahero noon ni Tatay Neong, at ang mga estudyanteng patuloy na tinatamasa ang ginhawang dulot ng kanyang pinasimulang ruta, ang UP Ikot.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinasalamatan at kinilala ng mga estudyante at mga pasahero ng rutang UP Ikot ang napakagandang inisyatiba ni Irineo Odoy, o Tatay Neong, na magkaroon ng biyahe ng dyipni sa loob ng University of the Philippines main campus.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results