Watch Now

Kim Chiu claps back at basher who mocked Leni Robredo's "you’re in a good place" greeting for her

by Bernie V. Franco
Apr 21, 2022
kim chiu leni robredo
Kim Chiu (left) defends VP Leni Robredo against critics who mocked the presidential candidate's birthday greeting to the actress: “Ikaw ba? Nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?"
PHOTO/S: @chinita princess on Instagram/ Facebook (Leni Robredo)

Dinepensahan ni Kim Chiu si Vice President Leni Robredo mula sa pangungutya ng mga basher matapos lumabas ang birthday greeting ng presidential candidate sa Kapamilya actress-host.

Ipinagdiwang ni Kim ang kanyang ika-32 kaarawan noong April 19, 2022, at binati siya ni Robredo sa pamamagitan ng video greeting.

Si Kim ay vocal supporter ni Robredo, na magdiriwang naman ng kanyang 56th birthday sa April 23.

Bahagi ng greeting ni Robredo sa Kapamilya star: “Kim, happy, happy birthday. Magkasunod pala birthday natin.

“But I want to wish you a very happy birthday. I know you’re in a good place now.”

Ginawang isyu ng mga basher ni Robredo ang pahayag nito kay Kim na “I know you’re in a good place now.”

Pagkakaunawa kasi ng mga ito, ang idiomatic expression na “in a good place” ay nangangahulugang sumakabilang-buhay na si Kim.

Pangungutya nila kay Robredo, hindi raw sila na-inform na wala na si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa mga kumutya sa sinabing ito ni Robredo ay supporters ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

KIM CHIU SLAMS ROBREDO’S BASHER

Hindi pinalampas ni Kim ang pagkutya ng isang basher kay Robredo.

Tweet ng basher (published as is): “OMG kinilabutan ako pgbati ni madam VP ky Kim chiu Kala ko talaga RIP na. Sorry #KimChiu had to play the vedio ng ulit2x”

Ang iba, tinawag pag “boba” at “lutang” si Robredo.

Sinagot ito ni Kim.

Hirit niya sa basher: “Wag ka nga! Di naman ikaw yung binati eh. Ako diba? Ako yung nag birthday.

“Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naiintindihan ko, para sakin naman yung message.

“Ikaw ba? Nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?.

“Bawas nega. Para angat buhay lahat. smile!”

kim chiu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot din dito ang direktor na si Antoinette Jadaone, supporter din ni Robredo.

Kinastigo ni Jadaone ang mga nangutya kay Robredo.

Aniya, iba ang “good place” sa “better place”

Mensahe pa ng direktor: “Juskooooo!!! Mga tao talaga, copy paste ng comments ng iba, mali naman!”

basher

"GOOD PLACE" VERSUS "BETTER PLACE"

Sa kabilang banda, kumalat na sa social media ang pang-iisyu ng mga kritiko sa birthday greeting ni Robredo kay Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaliwanag ang social media influencer at Robredo supporter na si Mela Franco Habijan sa pagkakaiba ng “in a good place” at “in a better place.”

Sumagot sa Facebook si Mela matapos kutyain ng isang vlogger at Marcos Jr. supporter ang greeting ni Robredo kay Kim.

Bahagi ng Facebook post ni Mela: "You are in a good place’ is an idiomatic expression that means someone is confident, at content.

“Being in a good place means one’s mental state is at peace."

Dugtong niya, “Iba ito sa ‘You are in a better place.’ Ito yung idiomatic expression na sinasabi sa taong namatay na.”

Ang paliwanag na ito ni Mela ay akma sa definition ng dalawang idiomatic expressions kapag sinuri sa Google.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mela, isang trans woman, ay hinirang na Miss Trans Global noong 2020 at LGBTQIA advocate.

Siya ay nagtapos ng AB Communication sa Ateneo De Manila University.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (left) defends VP Leni Robredo against critics who mocked the presidential candidate's birthday greeting to the actress: “Ikaw ba? Nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?"
PHOTO/S: @chinita princess on Instagram/ Facebook (Leni Robredo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results