Watch Now

Angel Locsin explains why she was not wearing pink during Leyte relief distribution

by Arniel C. Serato
Apr 21, 2022
Angel Locsin pacifies netizen about selfie with Bato dela Rosa
Actress-philanthropist Angel Locsin (center) and husband Neil Arce (left) share a light moment with Senator Bato dela Rosa (right) in Abuyog, Leyte during relief goods distribution to the victims of typhoon Agaton.
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook

Ayaw ni Angel Locsin na mahaluan ng pulitika ang pamamahagi niya ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Leyte.

Ito ang naging tugon niya sa isang netizen na nag-alala na baka raw ipagkalat ng ibang kampo na lumipat na ng sinusuportahan si Angel.

Kasunod ito ng pag-viral ng kuha ni Angel kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na nagkataon ding nasa Abuyog, Leyte upang mamahagi ng relief goods noong nakaraang Martes, April 19, 2022.

Sa post ng isang netizen, pinuri niya si Angel dahil wala raw itong kaere-ere na nagpa-picture kasama si Senator Dela Rosa kahit may “Sara All” na tatak ang suot nitong damit.

Ang “Sara All” ay ang campaign message ng supporters ni vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

Si Dela Rosa ay sumusuporta sa UniTeam nina presidential aspirant Bongbong Marcos at Duterte.

Makikita naman sa larawan na naka-finger heart ang aktres na pagpapakita rin ng suporta kay Robredo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa netizen, “The fact that madame @143redangel posed w Bato Dela Rosa in a S@R@ d30 shirt and a BBM supporter without looking staged/forced/political is so powerful. There were genuine smiles right there miz ma'ams!! SHE IS GRACE SHE IS POWER”

Naghayag naman ng kanyang pag-aalala ang isang supporter ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem dahil baka raw palabasing hindi na Kakampink si Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang supporters nina VP Robredo at Senator Kiko ay tinatawag na Kakampinks.

Saad ng netizen, “Ang nakakatakot lang gamitin nila yon picture as fake News ….. na BBM na si Angel Locsin sana nakasuot ng Pink Tshirt si Angel”

Pinakalma naman ng tinaguriang real-life Darna ang netizen.

Ani Angel, iniiwasan talaga niyang magsuot ng pink or campaign shirt ng mga kandidato kapag namimigay siya ng tulong upang hindi ito mabahiran ng pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong sagot niya: “Hello! Hindi po talaga ako nag suot ng pink or campaign shirt para hindi po mahaluan ng pulitika ang pag bibigay ng relief goods lablablab lang po tayo dahil ang kailangan naman po ng mga affected ng landslide ay magtulungan tayo”

Medyo nahimasmasan naman ang nasabing netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon niya kay Angel, “Sorry , didn’t know your location on the picture, yeah I understand it ….. its not you its some people who are so desperate to create some fake News I am cautious ….. Love you and God bless you more”

Maiksing tugon ng actress-philanthropist, “No problem! :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong April 18, personal na nagtungo sa Baybay, Leyte si Angel, kasama ang asawang si Neil Arce, upang mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.

Read: Angel Locsin personally distributes relief goods to typhoon Agaton victims in Baybay, Leyte

April 19 naman sila nagpunta ng Abuyog kung saan nila nakasalamuha si Senator Bato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-philanthropist Angel Locsin (center) and husband Neil Arce (left) share a light moment with Senator Bato dela Rosa (right) in Abuyog, Leyte during relief goods distribution to the victims of typhoon Agaton.
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results