Ikinasal na ang Pinoy Big Brother ex-housemate na si Patrick Sugui at ang kanyang influencer fiancée na si Aeriel Garcia kahapon, April 20, 2022.
Base sa posts ng mga imbitado, ginanap ang kasal nina Patrick at Aeriel sa Forest Crest Nature Hotel & Resort sa Nasugbu, Batangas.
Ilan sa mga dumalong celebrities ay sina Ria Atayde at Sam Concepcion.
Inilabas naman ng Nice Print Photography ang official wedding photo ng mag-asawa ngayong Huwebes, April 21.
View this post on Instagram
December 28, 2020, nag-propose si Patrick kay Aeriel.
Read: Patrick Sugui, Aeriel Garcia get surprise engagement party from closest friends
Noong April 2021, eksklusibong nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang content gaming creator na si Aeriel tungkol sa paparating nilang kasal ni Patrick.
Aniya, “Meron nang date but sa planning medyo ano pa... Chill lang naman kasi iyong gusto naming wedding, hindi naman iyong sobrang bonggang-bongga."
Pareho raw kasi silang simple lang ni Patrick kaya ayaw nila ng engrandeng kasalan.
“Ano lang, simple lang. Simple lang iyong wedding namin, so chill pa kami ngayon sa pagpa-plan since hindi pa ganun kaluwag yung paglabas-labas.
"So, ayun, madali naman iyon sa pagpa-planning. May date na kami, basta simple lang iyong wedding namin. Hindi engrande.
"Sobrang chill ko lang na tao. Wala akong rason para magkaroon ng bridezilla moment. Pareho lang kami na chill na tao, laid-back ba, ganun."
Read: Aeriel Garcia "sobrang chill" bride preparing for "hindi engrande" wedding
