Watch Now

Marco Gomez denies being insecure around Clique V co-member Sean de Guzman

by Jerry Olea
Apr 21, 2022
marco gomez, sean de guzman
Marco Gomez (left) on Sean de Guzman (right): "Walang inggit, walang jealousy-jealousy. Kasi, since day 1, naging close na po kami. Alam ko lahat ng baho niya... We’ve been through ups and downs, and talagang… nang nakita si Sean diyan sa stage, diyan sa screen, emotional po ako."
PHOTO/S: Instagram

Parehong pumasa sa audition ng pelikulang Lockdown ang Clique V members na sina Sean de Guzman at Marco Gomez. Pero si Sean lang ang sumipot sa shooting ng nasabing movie ni Direk Joel Lamangan noong Setyembre 2020 sa Cavite.

Sa kasunod na pelikula ni Direk Joel na nag-shooting noong Nobyembre 2020, bida na si Sean — sa pelikulang Anak ng Macho Dancer. Kasali rin sana si Marco sa nasabing movie pero nag-backout muli ito.

Sabi ni Direk Joel, okay kay Marco ang mag-frontal pero ayaw nitong makipaghalikan sa kapwa lalaki.

Eventually ay idinirek ni Joel Lamangan si Marco bilang leading man ni Cloe Barreto sa launching film nitong Silab, which also starred Jason Abalos.

Enero 2021 nag-streaming ang Anak ng Macho Dancer, samantalang parehong Hulyo 2021 ipinalabas ang Silab at Lockdown.

MARCO ON SEAN

Sandamukal na movies na ang nagawa ni Sean, na karamihan ay nag-streaming sa Vivamax. Kabilang sa mga ito ang Bekis on the Run, Ang Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa, Island of Desire, Nerisa, Taya, Mahjong Nights, at Hugas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din si Sean ng Vivamax original series na Iskandalo, na nag-premiere noong Abril 10, Palm Sunday.

Si Marco, naging suporta kapagkuwan sa pelikulang House Tour kung saan may butt exposure siya. Isa rin si Marco sa mga sundalo ng Mamasapano: Now It Can Be Told na wala pang playdate kahit nakailang presscon na.

Sinu-shoot ngayon ni Direk Joel sa Angeles City ang pelikulang Fall Guy, kung saan title role si Sean, at isa si Marco sa sandamukal na suporta.

Na-insecure ba si Marco kay Sean?

“Hindi, wala naman. Sobrang proud na proud po ako kay Sean,” sambit ni Marco sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang open forum sa storycon ng Fall Guy noong Abril 17, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

“Walang inggit, walang jealousy-jealousy. Kasi, since day 1, naging close na po kami. Alam ko lahat ng baho niya, alam ko lahat ng baho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We’ve been through ups and downs, and talagang… nang nakita si Sean diyan sa stage, diyan sa screen, emotional po ako.

“Kasi, sobrang proud na proud po ako sa kanya. Kasi, talagang deserved niya na aktor na siya.”

Nasa cast din ng Fall Guy sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Tina Paner, Vance Larena, Cloe Barreto, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Hershie de Leon, at Itan Rosales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEARNING TAGALOG

Lumaki sa Vienna, Austria si Marco kaya mas komportable siyang magsalita ng German kesa sa Tagalog.

“German po talaga yung first language ko. Actually, nung nag-shoot kami kay Direk Joel, hindi pa ako gaano fluent mag-Tagalog.

“Pero nag-Tagalog na po ako, kaya lang, yung accent nandun. Tapos, may mga words na hindi ko naiintindihan. Tapos hindi ko ma-pronounce, di ba?

Paano niya na-improve ang kanyang pagta-Tagalog?

“Nagbabasa po ako ng libro. Pinapanood ko yung mga movies na Tagalog. So, nag-focus po talaga ako sa lengguwahe na Tagalog,” salaysay ng 23-anyos na baguhang aktor.

“Iniiwasan po ako na mag-German, and also mag-English sa mga tao, lalo na sa mga family ko sa Austria.

“Kasi, lagi kami nagdye-German. Nagdye-German sila sa akin pero ang sagot ko sa kanila, Tagalog.”

Matangkad at matikas ang tindig ni Marco. Paano niya name-maintain ang ganda ng kanyang katawan?

“Actually kasi, noong bata lang ako, nag-martial arts po ako. Kasi, ang father ko, he owned a martial arts club, fighting gym,” saad ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And ayun, sanay po akong mag-workout. So dati, noong fighter pa ako noon, parang three times a day, nagwo-work out ako."

Patuloy ni Marco, “And sa ngayon kasi… actually last year, tumaba po ako, e. After ng Silab. Kasi, ang dami pong nangyari sa akin.

“Parang dumaan po yung depression saka anxiety attack. Na-depress, ahh… siguro, hindi pa ako naka-move on na namatay po yung tatay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang in denial pa po ako. June 2019 pa po siya na-heart attack, pero after a year, doon po ako na-depress talaga.

“I was anxious po at naisip ko ang mga ganung bagay kung deserve ko ba na mag-perform or mag-act sa screen.

“Lalo na na-insecure po ako na… sa accent ko po na Tagalog. Kasi, let’s say na marunong na po akong mag-Tagalog.

“Kasi, mga previous na project ko na movies, pagdating na sa set, bumabalik po yung accent ko na German kaya sa sobrang insecurities.

“Kaya sinasabi po sa akin ni Direk Joel, pati ibang direktor like Roman Perez sa House Tour, basta po sinasabi nila na, ‘Just be yourself, Marco. Don’t mind your accent, just do your job. Do your character.’

“So, ginawa ko naman yun. And lalo na, naging confident po ako.”

CULTURE SHOCK

Hindi masyadong na-culture shock si Marco nang manirahan na siya sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bata pa lang po ako, talagang I was raised as a Filipino. Kasi, I was only raised sa parents ko, kasama ko ang kapatid ko, so bale apat lang po kami sa bahay,” paliwanag ni Marco.

“And minsan, nag-visit din yung ibang family members na Pinoy din. So actually, hindi naman sobrang malaki ang adjustment ko from Austria to Philippines.

“Kasi, I was raised as a Filipino.”

Conservative?

“Opo. Hindi po yung European na mindset, ganyan,” mabilis na tugon ni Marco.

“Hindi naman po, kasi laging sinasabi ng mga magulang ko, ‘Whatever happens, Marco, Pilipino ka pa rin. Even you’re an Austrian citizen, you’re born in Austria pero Pilipino ka pa rin by blood and also by heart.’

“So, tine-take ko yung mga sinasabi sa akin ng mga magulang, lalo na nung time na hindi pa ako marunong mag-Tagalog.

“Kasi, parang ayaw kong magsalita ng Tagalog dun sa Vienna. Kasi, sinasabi ko sa kanila, parang… ‘Bakit ko kailangang mag-Tagalog? Nandito naman ako sa Vienna, Austria.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang kailangan ko lang, German at English, OK na sa akin 'yan.

“Pero may time na nasa panaginip ko lagi dati pa po na gusto ko talaga sa Pilipinas. Iba ang tingin ko talaga sa Pilipinas nung pumunta ako dito nung 2016.

“Ayan, dire-diretso na po since 2016… mas masaya po dito sa Pilipinas!”

KISSING SCENE WITH ANOTHER MAN

Ayaw pa rin ba niyang makipag-kissing scene sa kapwa lalaki?

Napangiti si Marco, “Yun din ang naging isyu ko dati pa, di ba? Siyempre, hindi ako sanay.

“Kasi, first of all, ahh… iba kasi yung mga sexuality sa… I mean, hindi sexuality, yung mga ugali sa Europe kesa dito sa Pilipinas.

“May mga part naman na open sila, may mga part na conservative pa rin. Basta ako, hindi pa ako sanay sa mga ganyan.

“Tinanong ako ni Direk Joel nung isang araw, kasi may mga project na boy-to-boy.

“Sabi ko, ‘Alam mo, Direk, sa totoo lang, kaya ko na basta ikaw!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, ang laki ng tiwala ko kay Direk Joel. Kasi, Silab pa lang, ipinakita ko na lahat ng part ng katawan ko.

“Nung pinanood ko yung movie, ‘Ang ganda palang tingnan sa screen. Hindi naman bastos.’

“So, sabi ko, ‘Direk, puwede na po ako.’”

Nag-shrink ang private part ni Marco nang mag-frontal siya sa Silab. Gininaw!

Natawa si Marco, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Iba pala ang pakiramdam pag nasa harap ng kamera. Kasi usually, hubadero naman ako.

“I mean, wala naman akong pakialam kahit kita yung nota ako.”

May nakahalikan na ba siyang lalaki sa tunay na buhay?

Napangiti muli si Marco, “Sa ngayon po, wala pa po. Virgin pa po ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Virgin sa lalaki!”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gomez (left) on Sean de Guzman (right): "Walang inggit, walang jealousy-jealousy. Kasi, since day 1, naging close na po kami. Alam ko lahat ng baho niya... We’ve been through ups and downs, and talagang… nang nakita si Sean diyan sa stage, diyan sa screen, emotional po ako."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results