Watch Now

Mocha Uson hits Toni Gonzaga: "Napaghahalataan na wala kayong alam sa public service."

by Rachelle Siazon
Apr 21, 2022
Mocha Uson, Toni Gonzaga, #PHelections2022
An excerpt from Mocha Uson's video message for Toni Gonzaga: "At para sabihin mo na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang si Marcos ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanyang pamilya. Na ginawa talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit at ngayon ay babalik muli para angkinin ito."
PHOTO/S: Mocha Uson TikTok / Bongbong Marcos Facebook

Umalma si Mocha Uson sa mga ginamit na salita ni Toni Gonzaga para iendorso ang presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr.

Dinaluhan ni Toni ang campaign rally ng UniTeam sa Cebu noong April 18, 2022, na ayon sa Cebu City Police Office ay dinaluhan ng may "300,000" katao.

Nang sumampa sa entablado, pina-excite ni Toni ang madla sa inaasahan daw nilang pagkapanalo ni Marcos Jr. sa nalalapit na May 9, 2022 elections.

Sigaw ni Toni: "Konting panahon na lamang at magbabalik si BBM sa kanyang tahanan—ang Malacañang."

Toni Gonzaga, Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontra ito ni Mocha.

Si Mocha ay self-confessed supporter ni presidential aspirant Isko Moreno, at kilalang longtime supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang TikTok video kahapon, April 20, 2022, malumanay ang boses ni Mocha sa kanyang ipinaabot na mensahe para kay Toni.

Pero matalas ang pahayag ni Mocha na mali raw ang konteksto na tukuying "tahanan" ang Malacañang na "babalikan" ni Marcos Jr.

"Gusto ko lamang magkomento dito sa sinabi ni Ms. Toni Gonzaga.

"Alam mo, Ma'am, hindi maganda iyang sinasabi niyo. Napaghahalataan na wala kayong alam sa public service.

"Si Pangulong Duterte nga po ay sinasabi niya na ang Malacañang ay kanya lamang opisina.

"Hindi niya po ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taong-bayan," seryosong paliwanag ni Mocha.

Ang dating daw kasi ay waring inaari ito ni Marcos Jr. kung pagbabasehan daw ang sinabi ni Toni sa rally.

"At para sabihin mo na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang si Marcos ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na ginawa talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit at ngayon ay babalik muli para angkinin ito."

Diin ni Mocha, "Paalala lang po, ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino.

"Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan.

"Sana po matuto kayo sa mga sinasabi ni Pangulong Duterte."

Mocha Uson, Isko Moreno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TONI AND MOCHA'S PRESIDENTIAL BETS

Si Toni ay nakilala bilang ABS-CBN star at resident host ng Kapamilya reality franchise show na Pinoy Big Brother.

Nagbitiw si Toni sa hosting duties niya sa Dos sa gitna ng mga batikos sa kanya nang magdesisyon siyang iendorso si Marcos Jr.

Read: Erik Matti calls out "unbothered" Toni Gonzaga for being "brazen, arrogant, crude"; Robin Padilla defends Toni

Si Mocha ay dating lider ng all-female group na Mocha Girls at nakilalang vlogger.

Kilalang longtime defender ni Pangulong Duterte, naitalaga siyang Communications Assistant Secretary sa Presidential Communications Operations Office sa loob ng isang taon at limang buwan.

Nag-resign siya noong 2018 matapos lumikha ng kontrobersiya ang viral video ng ginawa niyang jingle tungkol sa pederalismo nang wala umanong approval ng officials na namamahala sa paggawa ng kampanya para rito.

Read: Mocha Uson found spreading unverified news content on Facebook, reports Rappler

Noong September 2019, naitalaga siyang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong 2022 elections, kumakandidato si Mocha bilang first nominee ng Mothers for Change partylist.

March 2022 nang dumalo siya sa campaign rally ni Manila Mayor Isko Moreno, at naghayag na siya ay nag-"switch to Isko" dahil siya ay "taga-Maynila" at ibinoto raw niya si Isko bilang alkalde noong 2016 elections.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from Mocha Uson's video message for Toni Gonzaga: "At para sabihin mo na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang si Marcos ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanyang pamilya. Na ginawa talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit at ngayon ay babalik muli para angkinin ito."
PHOTO/S: Mocha Uson TikTok / Bongbong Marcos Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results