Watch Now

Miss Universe 1973 Margie Moran denies endorsing VP Leni Robredo: “My choice is who I think will serve the nation best.”

by Arniel C. Serato
Apr 21, 2022
margie moran
Miss Universe 1973 Margie Moran calls post about her endorsing the presidential bid of Vice President Leni Robredo "fake news."
PHOTO/S: Margoie Moran-Floirendo Facebook

Tinawag na “fake news” ni Miss Universe 1973 Margie Moran ang post sa Facebook kung saan sinabing iniendorso raw niya ang kandidatura sa pagkapresidente ni Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram account ngayong hapon ng Huwebes, April 21, 2022, ibinahagi ni Margie ang screenshot ng nasabing Facebook post.

Nakasaad dito: “3 out of 4 Miss Universe from the Philippines (Margarita, Pia and Catriona) endorsed Leni Robredo as their President.”

May kalakip itong larawan niya at nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Hindi raw ito totoo.

Ayon kay Margie, ayaw niyang ikompromiso ang kanyang puwesto sa gobyerno dahil lamang sa pag-eendorso ng isang kandidato.

Si Margie ay kasalukuyang chairperson ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sabi pa ng former Miss Universe, ang kanyang napili ay ang taong sa palagay niya'y pinakamahusay na magsisilbi sa bayan.

Buong post niya, “This post is fake news. I will not compromise my position as a government official by endorsing a candidate. My choice is who I think will serve the nation best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PIA, CATRIONA SUPPORT VP ROBREDO'S PRESIDENTIAL BID

Samantala, dalawa sa Pinay Miss Universe titleholders ang hayagang nagpakita ng suporta kay VP Robredo: sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Inihayag ni Pia na ang ibinoto niya sa United Arab Emirates (UAE) ay si VP Robredo.

Sabi niya sa kanyang Instagram noong April 13, na-excite siyang bumoto bilang first-time voter. Para raw kasi ito sa ating kinabukasan.

Hinikayat din niya ang ibang mga botante na nasa ibang bansa na huwag sayangin ang kanilang karapatang bumoto.

Aniya, “As a first time voter, I must say that it felt so good to vote today. Emotional actually. May halong excitement & relief that I finally took my stand. Shading that little black dot felt like I was finally making a choice towards our future. I know I’m only 1 person. Only 1 vote out of millions but every vote counts.

“As I voted remotely from the UAE today, I also learned that only about 30% of ALREADY REGISTERED voters here in UAE are expected to vote. Sayang naman kung ganon. If you’re a Filipino living abroad who’s already registered, please make time for it because your vote counts. You have one whole month to do this so there’s really no excuse not to. Plus, the process in Abu Dhabi was super seamless.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod niyang sinabi na ang kanyang napiling pangulo ay si Robredo.

Saad ng Miss Universe 2015, “Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next President. I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae. Naniniwala ako at naninindigan ako para kay Leni.”

Nitong nakaraang April 19 naman, inihayag din ni Catriona na ang napili niyang kandidato sa pagkapangulo ay si Vice President Robredo.

Masusing pagsusuri raw ang kanyang pinagdaanan bago marating ang nasabing desisyon.

Bahagi ng sinabi niya sa kanyang vlog: “And my choice for president is Leni Robredo.

"She's the only candidate with experience in all three branches of government.

"Judiciary as a volunteer lawyer, legislative as a congresswoman, and executive as a vice president.”

Read: Catriona Gray lists reasons why she's voting for Leni Robredo

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1973 Margie Moran calls post about her endorsing the presidential bid of Vice President Leni Robredo "fake news."
PHOTO/S: Margoie Moran-Floirendo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results